Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay President Gary Teves ng Land Bank of the Philippines; Elmer Bong Labog ng Kilusang Mayo Uno; Tony Emmanuel ng Saisaki, Monet Aviles ng Palawan at Bro. Ben Magno Domingo ng Aurora, Isabela.
Ayon sa aking bubuwit, kaya pala super yaman na ang nasabing opisyal sapagkat walang pinalalampas na kontrata sa airport ng wala siyang nakukuhang komisyon. Kaya lang sumobra naman yata sa pagiging garapal sapagkat kung humingi ngayon ng komisyon ay advance. Hindi pa nagsisimula ang project, kailangan ay maibigay na sa kanya ng buo ang porsiyento.
Katulad na lamang nitong isang project, meron nang Memorandum of Agreement (MOA) pero kayang-kaya niyang hindi sundin ang kanyang bossing kapag hindi naibigay ang komisyon in advance.
Ayon sa aking bubuwit, P150-million ang project na pinirmahan na noon ni dating MIAA General Manager Ed Manda na MOA tungkol sa security ng Ninoy Aquino International Airport. Kaya lang, dahil hindi nakapagbigay ng komisyon na P15-million yung foreign businessman, ibinasura ang proyekto.
Napakagarapal mo naman Sir!
Nauna rito ay kinasuhan na rin sa Office of the Ombudsman ang naturang opisyal dahil tumanggap naman ng P1.5 million na komisyon sa isang security agency. Kaya lang ay hindi rin natupad yung kontrata.
Nang bawiin ang ibinigay na komisyon, nagbigay ng tatlong tsekeng kabayaran subalit ang mga ito ay nagsipagtalbugan.
Maniniwala ba kayo na siya ay simpleng opisyal lamang na maliit ang suweldo pero isa na siyang bilyonario?
Madam President Gloria Macapagal-Arroyo, dapat pala ang opisyal na ito ang unahin mong sibakin.
Mantakin nyo naman, batay sa kanyang isinumiteng Statement of Assets & Liabilities (SAL) ang kanyang yaman ay umabot sa mahigit isang bilyong piso. Ito ay P1,200,026,500.00
Ano kaya ang negosyo ng opisyal na ito? Umeebak kaya siya ng pera?
Siya ay chairman ng Bidding and Awards Committee (BAC). Kaya naman pala walang nakakalusot na kontrata nang wala siyang komisyon.
Siya ay walang iba kundi si Engr. M. as in Masiba.