^

PSN Opinyon

Editoryal - Matapang na pulis

-
HINDI lahat ng pulis ay masasama. Mayroon ding mabubuti at matatapang. May handang isugal ang buhay para maprotektahan ang taumbayan. Isa sa mabubuti ngunit matapang na pulis si SPO1 Charlito Corpuz na naka-assigned sa Police Community Precinct 1 ng Mandaluyong city police. Tatlong holdaper ng bus ang napatay ng matapang na si Corpuz. Walang takot na sinagupa ang tatlo matapos mag-announced ng holdap sa EDSA-Shaw Crossing. Nakaupo sa likuran ng driver si SPO1 Corpuz. Sumakay siya sa Fairview para mag-report sa trabaho dakong alas-otso ng gabi. Sumakay naman ang tatlong holdaper sa tapat ng Camp Crame. Ang isa ay umupo rin sa likod ng driver katabi pa ni SPO1 Corpuz. Ang dalawang iba pa ay sa hulihan. Nang bumunot ng baril ang katabi ni SPO1 Corpuz at tinutukan ang driver ay mabilis ding nabunot ng pulis ang kanyang caliber .45 na service firearm. Ipinutok sa holdaper. Bulagta ito. Nagsipagbunot na rin ng baril ang dalawa pa subalit mas mabilis si SPO1 Corpuz, inupakan ang dalawa. Nakipagbarilan ang mga holdaper at tinamaan sa kanang kamay si SPO1 Corpuz pero buo ang loob niya. Ginamit niya ang kaliwang kamay para tapusin ang dalawang halang ang kaluluwa. Nang mahawi ang usok, nakatimbuwang ang dalawa pa. Patay na.

Ang pulis na katulad ni SPO1 Corpuz ang matagal nang hinahanap ng taumbayan sa kasalukuyan. Matapang at tapat sa tungkulin. Hindi pulis na nangsa-salvage, nangongotong, nanghuhulidap, nangingidnap, nangangarnap at nagtutulak ng shabu. Ang katulad ni SPO1 Corpuz ang dapat pamarisan ng iba pang miyembro ng PNP.

Kung ang mga pulis ay magiging katulad ni SPO1 Corpuz, nasisiguro naming maibabalik ang nawalang tiwala ng taumbayan sa kapulisan. Kung ang mga pulis ay magiging kasingtapang ni SPO1 Corpuz nasisiguro naming mababawasan ang mga holdaper na nagkalat ngayon sa lansangan ng Metro Manila at walang takot na nambibiktima at ang masaklap, pumapatay pa. Pinaka-latest na biktima ng mga holdaper ay ang estudyanteng si Joshua Rañola. Hinoldap si Rañola sa kanto ng Soler at Reina Regente, Binondo Manila dakong 7:30 p.m.

Sasakay na sa dyipni si Rañola patungong Baclaran nang holdapin. Sapilitang kinuha ang backpack ni Rañola pero lumaban siya sa mga holdaper. Ito ang naging dahilan para siya saksakin. Kung may pulis na nagroronda, maaaring hindi sinapit ni Rañola ang malagim na kamatayan.

Sana’y marami pang katulad ni SPO1 Corpuz ang mamayani para naman makaligtas ang taumbayan sa masasama.

vuukle comment

BINONDO MANILA

CAMP CRAME

CHARLITO CORPUZ

CORPUZ

HOLDAPER

JOSHUA RA

METRO MANILA

NANG

PULIS

SPO1

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with