Nagsampa ng kaso ang isang menor-de-edad (16 yrs. old) na si "Jenny" (di tunay na pangalan) laban sa Mayor ng Sta. Cruz, Marinduque na si Mayor Percival Morales. Nangyari diumano ang insidente nung Jan. 15, 2004. The case was docketed under I.S. No. 2004-144.
Si DOJ State Prosecutor LAGRIMAS AGARAN ang naatasang humawak ng Preliminary Investigation nito.
News about this alleged Rape case was prominently featured in leading dailies, radio programs and even on television. Sa programa ni Pareng Ramon Tulfo, naipalabas din ang kasong ito. Isinulat ko rin ito dito sa "CALVENTO FILES" nung March 8, 2004.
Unang hinawakan nitong Prosecutor na ito, nung FEB. 18, 2004. Pebrero pa mga kaibigan hawak na nito ang kasong ito!
Nung July 22, 2004, sa isang hearing sa DOJ, kung saan nakatakda na magsumite ng Supplemental Reply Affidavit ang prosecution, inihayag nitong babaeng prosecutor na si Fiscal Agaran na MAG-IINHIBIT DAW SIYA SA KASO. ANG IBIG SABIHIN NITO AY "EXCUSE ME, AYOKO NA!" Huh, anong nangyari Fiscal Agaran? Bakeet?
Sa isang panayam kay Atty. Minerva Ambrosio, mangiyak-ngiyak daw itong si Fiscal Agaran at tumaas ang blood pressure dahil sa isang artikulong lumabas, na hawak niya ang isang photo copy na isinusulat ng ating kasama sa PSNGAYON, na si Bening Batuigas. Nagtatanong si Bening kung ano na ang nangyari sa kaso ni Mayor Percival Morales ng Sta. Cruz, Marinduque. Nagtanong din kung bakit naantala ang paglabas ng resolution sa kasong ito?
Dahil daw dito sa artikulong ito, nagdesisyon itong Fiscal Agaran na ito na hindi na niya hahawakan ang kaso. Okay, fine whatever. Thats your call, Fiscal Agaran. Subalit, utang na loob, ang mga public officials ay hindi dapat maging "onion-skinned" (balat sibuyas). Matapos ang ilang buwan, magdedesisyon kang mag-iinhibit?
Unang-una, nung hawakan mo ang kasong ito, alam mo nang "this was a high profile case." Marami nang naglabasan ng news item tungkol dito. At that point in time, dapat ka nang nag-iinhibit kung ayaw mo palang maisusulat ka ng media. Sinisi na naman ang media, eh, trabaho lang ang ginagawa namin.
"If you cant stand the heat in the kitchen, get out of it!"
Ang pagiging miembro mo ng Special Task Force ng DOJ ay isang sensitibong posisyon. Dapat pala wala ka dyan!
Sa kanyang (Fiscal Agaran) pag-iinhibit, ang ibig sabihin niyan kailangan mag-assign na naman ng isang DOJ Prosecutor na hahawak nito.
Delay na naman sa kaso para sa akusado at sa biktima. Pati na rin ang pera ng mga taxpayers ay nasasayang. Ayaw ni Chief State Prosecutor Joven Zuño ng ganyan.
Repasuhin natin ang mga "PARTICULARS sa I.S. No. 2004-144 na isinumite at pinirmahan ni State Prosecutor Lagrimas Agaran. Nabigyan tayo ng kopya nito.
February 18, 2004 na-assign sa kanya ang kaso for preliminary investigation. February 24 nagpalabas siya ng "subpoena to both parties to attend hearing set on March 16 and 23, 2004." Nung March 16, 2004, "counsels for respondents filed motion for additional time to file counter affidavit. Atty. June Ambrosio (first name calling sila nung abogado mula sa DSWD na si Atty. Minerva Ambrosio. Close kaya sila (?)) and the DSWD did not object. March 23 humarap ang dalawang testigo para sa respondent affirmed their affidavits sa harap nitong si Fiscal Agaran. Humingi na naman ng additional time ang mga counsels for respondents para magsumite ng counter-affidavit. Hindi na naman nag-object itong si Atty. Ambrosio. (teka, bakit ka ba payag nang payag Atty. Ambrosio? Matanong lang kita, ha Atty June? Di ba dapat isang speedy resolution sa kasong ito ang binabatbat mo?).
April 12, 2004 nag-"Motion to reset hearing schedule on April 14 and 22 to May 27 2004 was filed and was received by Carol (sino siya?) secretary of Atty. Ambrosio. Tinawagan daw ni Fiscal Agaran sa landline niya si Atty, Ambrosio para i-confirm ang resetting ng hearing for May 27, 2004.
Dito na dapat bakbakan itong si Fiscal Agaran.
Bakit ka pumayag ng ganun katagal na resetting? Inabuso mo ba ang iyong discretion para i-accommodate ang request na ito?
Normal ba na kailangan mo pang tawagan at hanaping personal ang mga abogado para kunin ang kanilang approval para i-reset ang hearing? Tama ba yun, Chief Zuño?
May kulay kaya ito dahil si Percival Morales ay tumatakbo for re-election at ang eleksyon ay nakatakda sa May 10? Ina-accommodate kaya ito ni Fiscal Agaran para makapagkampanya si mayor at palampasin ang eleksyon? Isinantabi ba muna niya ang kaso ng isang minor para dito? Nakausap ko si Chief Zuño kahapon, Linggo, at ipatatawag daw niya itong si Fiscal Lagrimas Agaran. Abangan natin ang development.
Marami pa tayong tanong sa susunod na issue ng "CALVENTO FILES" sa Miyerkules. Kayo, anong palagay nyo? Padinig naman.
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG MAG-TEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.