Nanumpa ang mga magagaling na mamamahayag ng DDB-PDEA noong Sabado ng gabi dyan sa may Sangrila Restaurant, QC.
Si Nelson Flores, ang founding chairman ng grupo.
Ang mga miyembro pala nito ay negatibo sa drug test kaya inaasahan natin sila na mangunguna sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.
Mabuhay kayo! Si NPC director Jerry Yap ang nag-induct sa mga reporters na ito.
Kambiyo isyu, walang humpay ang kampanya ng mga alipores ni retired Capt. Rey Jaylo, bossing ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force sa pagtugis at pagkapa ng mga illegal recruiters na nagpapahirap sa mamamayang Noypi na gustong mag-abroad.
Maganda ang mga accomplishments ni Jaylo nitong mga nakaraang araw.
Hindi biro ang mga nakalawit ni Jaylo na illegal recruiters simula nang basbasan ito ni Prez Gloria.
Kaya naman nakakatiyak ang mamamayan na hindi ibabangketa ni Jaylo ang mga mahuhuli kundi sa kalaboso ang puntan nila.
"Hindi kaya masilaw si Jaylo sa pera ng mga illegal recruiters?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Ang hindi nakakakilala kay Jaylo, iyan ang iniisip," sagot ng kuwagong maninisid ng tahong.
"Tiyak sa init ng kampanya ni Jaylo laban sa mga gagong recruiters may paglalagyan sila."
"Sana hindi sa kabaong?"
"Iyan ang tingnan natin, kamote."