Panggagahasa sa walang malay na dalaga
July 29, 2004 | 12:00am
SI Ruby at Nancy ay magkaibigang matalik. Si Ruby ay nag-aaral sa kolehiyo samantalang si Nancy ay waitress sa restaurant ni Rod. Ipinakilala ni Nancy si Ruby kay Rod.
Isang umaga, habang naghihintay ng sasakyan si Ruby pauwi ng bahay, nakita niya si Rod na nakasakay sa motor. Inalok ni Rod si Ruby na ihatid sa bahay at pumayag naman ang dalaga. Subalit dinala ni Rod ang dalaga sa isang cottage sa beach. Nagtaka si Ruby ngunit sinabihan siya ni Rod na maghintay at susunduin nito si Nancy. Nang makabalik na si Rod, may dala na itong isang bote ng Coke at pagkain. At dahil alas-dose na ng tanghali, inubos ni Ruby ang Coke at pagkain. Makalipas ang limang minuto, biglang nawalan ng malay si Ruby. Nang magkamalay pagkaraan ng limang oras, wala na siyang pantalon at panty. Nakaramdam siya ng pananakit ng hita at ari. Nakita rin niya si Rod sa pintuan at bigla siyang binigyan ng babalang huwag siyang magsusumbong kahit kanino dahil papatayin siya nito. Nang makarating na sa bahay si Ruby at magpalit ng panty, nakita niyang may dugo ito. Kaya, nagpatingin agad siya sa doktor. Ayon sa pagsusuri, ginahasa siya ni Rod dahil nalaslas at nagkasugat ang kanyang ari.
Nagsampa ng reklamong rape si Ruby laban kay Rod. Nang malaman ito ni Rod, isinama niya ang dalawang kaibigan at isang pulis sa bahay ni Ruby. Doon ay inalok nila si Ruby at ang ina nito ng P10,000 upang maiurong ang kaso laban kay Rod. Subalit tumanggi ang mag-ina dahil mas importante raw sa kanila ang katarungan kaysa sa pera. Samantala, napatunayang nagkasala si Rod. Tama ba ang Korte?
TAMA. Ang sunud-sunod na pangyayari ay napatunayan ng Korte ng walang duda na ginahasa ni Rod si Ruby nang ito ay mawalan ng malay sanhi ng ininom o kinain nito. Tanging si Rod lamang ang kasama ni Ruby bago siya nawalan at manumbalik ang malay.
Samantala, lalong umayon sa pagkakasala ni Rod ang ginawa niyang alok ng pera sa biktima. Batay sa Rule 130 Section 23 ng Rules of Court, ang alok upang maiurong ang kaso ay isang walang-pasubaling pag-amin ng kasalanan. (Pp. vs Diaz, G.R. 117323, Oct. 4, 1996)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest