Isang tawag lang aksyon agad !
July 28, 2004 | 12:00am
NAGSILBING action line" ang BANTAY KAPWA sa kaso ng senior citizen na si Mr. L. Gonzales ng Mandaluyong City. Tumawag siya sa Bantay Kapwa para humingi ng tulong tungkol sa kanyang bayarin sa Manila Water. Ayon kay Mr. Gonzales nagkamali ang reader ng Manila Water sa pagtala ng metro ng kanyang kunsumo sa tubig. Dati ang binabayaran niya ay P45.59 subalit nagulat siya nang matanggap ang kanyang water bill na naging P430.73 isang buwan. Tapos ay nadagdagan ng P861.40 kaya naisip ng matanda na dumulog sa BANTAY KAPWA na agad namang gumawa ng hakbang para malutas ang kanyang problema.
Agad tumawag ang BANTAY KAPWA sa 1627 consumers hotline ng Manila Water at nakausap si Dory Abesamis. Magalang at very accommodating si Dory. Nangako itong ipa-follow up niya ang kaso ni Mr. Gonzales. Nakipag-ugnayan si Dory kay Edna Aguirre at naayos ang reklamo ni Mr. Gonzales.
Ang pangyayaring ito ay sasabihing simple pero patunay na nasa mabuting komunikasyon nakasalalay ang paglutas sa problema. Patunay din ito na ang makapaglingkod sa kapwa ay isang katangi-tanging gawa gaya ng ipinamalas nila Dory Abesamis at Edna Aguirre. Dapat silang tularan ng kapwa nila empleyado.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended