^

PSN Opinyon

"Tak... Tak... Tak... Ajinomoto"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
HINDI NGA DUMATING SI ANGELO DELA CRUZ, SUBALIT ANG UNANG NAMUTAWI SA BIBIG NI PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL-ARROYO AY ANG PANGALAN NITO.

"WE DID IT…" SABI NI PGMA.

ISA RIN ANG MGA SALITANG UMALINGAWNGAW SA KONGRESO, THE WORDS "MAMAMAYAN MUNA…." REVERBERATED WITHIN THE FOUR WALLS OF THE AUGUST CHAMBER SAYING WITH FIRM RESOLVE…

"THE CITIZENRY IS HER PRIMORDIAL CONCERN."

This leads me to the topic in today’s issue of "CALVENTO FILES."

Employees belonging to Ajinomoto Philippines, Incorporated, a Corporation based in the Philippines and run by Japanese executives seem to have forgotten that the Japanese occupation of the Philippines has long passed.

Ito ay natapos ng i-liberated tayo ng mga American Forces kasama ang ating Sandatahang Lakas ng talunin natin sila nung kalagitnaan ng 1945. Naalala n’yo pa ba ang famous lines ni Gen. Douglas MacArtur ng sabihin niyang, "I shall return…" Return he did and this ended the reign of the Japanese Imperial Army sa ating bayan.

"Mamamayan Muna," sabi ni PGMA sa SONA. Bakit sa Ajinomoto Philippines, Corporation, ang mga Pilipino ay tila nadedehado!

Sa isang eksklusibong panayam sa ilang empleyado na nabanggit na Japanese controlled corporation tila ipinatutupad nila ang mga garrison like dealings sa ating mga mamamayan.

Sa isang complaint ng union ng Ajinomoto Philippines, Corporation, ang inihain sa Bureau of Immigration and Deportation (BID). Hiningi ng mga miyembro ng Ajinomoto Sales Force Employment Union (ASFEU) mula sa BID na ipatapon sa labas ng bansa sina Yoshihiko Sakai, president, Hiroyoshi Kayashi, treasurer, Komatsu Sunichi, sales marketing manager, Fumio Takamura, director at ang product development manager.

Inakusahan ng mga empleyado ng Ajinomoto na ang mga ito ay gumawa ng mga pananakot, coercion, union busting at paglabag sa constitutional and statutory right to self-oraganization ang mga kababayan nating Pinoy. Mrs. President, paano ba ito?

Hindi na pala natin kailangan pumunta sa Iraq, dahil kung totoo nga ang mga akusasyong ito, ang mga Pinoy ay inaapi sa sarili nating bansa.

Masakit pa nito, may mga goons daw na ginagamit ang Ajinomoto sa pananakot na pina-iiral nila sa empleyadong mga miyembro ng union. Mahirap naman paniwalaan din na magpapagamit ang mga dating miyembro ng New People’s Army para maging mga private army nitong mga Hapones na negosyante.

Handang ipaglaban ng mga empleyado na miyembro ng union ang kanilang karapatan kahit magbuwis sila ng kanilang buhay. Kailangan pa bang umabot sa ganito. Wala bang magandang paraan upang maresolba ang sigalot na ito? Tinatakot daw sila. Hindi na tayo magpapatakot kanino man.

Anong sabi mo PGMA, "Mamamayan Muna?" Dito sa Ajinomoto, mukhang Mamaya Muna. Mamaya muna ang inyong mga hinaing sa paghingi ng makatao at makatarungang sahod. Mamaya Muna ang inyong mga karapatan dahil kung totoo nga ang lahat ng ito, tanging kapakanan ng mga Hapon at iilang Pilipino ang inuuna at hindi yung mga maliit.

Mabigat nito, handang ibulgar daw ang mga illegal activities of Ajinomoto Philippines, Corp., who has been depriving the government of revenues through the under declaration of their income tax and sales revenues. Sige, taktakin ang Ajinomoto para ilabas ang kanilang mga libro so the proper government agency can look into it.

Transparency should be exercised here and an honest to goodness opening of the books of Ajinomoto Philippines, Corporation to dispel allegations that they have been committing fraud by under declaration of their sales and revenues due to the government is in order.

Sa ngalan ng isang balanseng pamamahayag, sinubukan ng inyong lingkod na kausapin ang President ng Ajinomoto Phils., Corporation na si Yoshihiko Sakai subalit wala ito, ayon sa kanyang secretarya na si Ms Enriquez as of press time. Wala daw dun si Mr. Sakai. Ni-refer naman ako kay Ms Helen Lim. Wala din daw si Ms Lim. Nakausap ko ang kanyang staff na ang pangalan ay Russel. Ubos na ang oras ng inyong lingkod sa pag-aantay. Kailangan na magpasa ng column na ito para sa deadline. Nang tumawag si Ms Lim, sabi naman niya ay ire-refer naman ako kay Atty. Gina Pimentel. I have a deadline to meet. I can’t wait for you guys forever.

Ganun pa naman, nais kong ipaabot sa mga officials ng Ajinomoto Phils., Corp. that I welcome their answer to this issue. They can call me up or answer all these issues via mail or email. I assure them that I shall print their letter in full.

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG TUMAWAG SA 7788442. MAARI DIN KAYONG MAG-TEXT SA 09213263166.

AJINOMOTO

AJINOMOTO PHILIPPINES

AJINOMOTO PHILS

MAMAMAYAN MUNA

MAMAYA MUNA

MS LIM

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with