Sana'y magkaroon nga ng maraming trabaho
July 27, 2004 | 12:00am
SA gitna ng kaguluhan noon tungkol kay Angelo de la Cruz, lumitaw ang patunay sa totohanang kalagayan ng mamamayang Pilipino. Mamamatay kang nakadilat sa Pilipinas sapagkat walang makikitang ikabubuhay dito. Kailangang lumabas ng Pilipinas upang makapag-hanapbuhay. Ang sakit naman nito.
Marami ang nagnanais makaalis ng bansa upang makapagtrabaho sa Middle East. Kahit sa Iraq na ubod ng gulo ay hindi sila natatakot magpunta.
Nagpipilit silang makaalis upang kumita ng ikabubuhay para sa kanilang pamilya. Titiisin ang hirap at kalungkutan may makain at matustusan ang pamilya. Sinabi nilang maaaring may mga panganib na naghihintay sa kanila pero handa silang makipagsapalaran para kumita.
Hindi na dapat magsayang pa ng panahon si President Gloria Macapagal-Arroyo na gawing pangunahing prayoridad ang paglutas sa kawalan ng hanapbuhay. Sana nga ay maging totoo ang sinabi niya magki-create ng 10 milyong trabaho. Sana ay hindi ito bola.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended