^

PSN Opinyon

Sariling interest muna, bago iba

SAPOL - Jarius Bondoc -
IISA ang sigaw ng mga negosyante at manggagawa: Ibsan ang malaking budget deficit. Pero magkaiba ang punto de bista nila. Para sa negosyante, delikado ang taunang deficit na P200 billion dahil uutang parati ang gobyerno ng pampuno. Tataas ang interest rates at mahihirapan ang mga negosyo umutang para sa expansion plans. Magigipit ang operations nila at hindi makakapag-empleyo ng mas maraming manggagawa. Para naman sa manggagawa, nauubos ang pera ng gobyerno sa bayad-utang. Wala nang mailaan para sa basic services tulad ng patubig, koryente, gamot o pabahay. Ang budget deficit ay pinupunuan para pansuweldo na lang ng government employees.

Tatlo ang obvious na solusyon: tipid-gastos sa gobyerno, husay sa pagkolekta ng taripa, at dagdag na buwis. Sa tipid-gastos, pabor ang mga negosyante, lalo na kung alisin ang P40-bilyong pork barrel ng Kongreso. Pero ayaw ito ng mga manggagawa, dahil miski kumukupit ng 20-40% ng pork barrel ang mga senador at kongresista, sa gamot, libro at kalsada naman napupunta ang natitira.

Sa dagdag-buwis, ayaw din ng negosyante. Lalo lang daw sila lulubog sa gastusin kung tataas ang buwis sa gasolina, income at VAT. Ayaw din ng manggagawa sa dagdag-buwis, dahil baka ipasa lang daw ng negosyante sa consumers ang gastos. Miski ba mga kotse lang ang nag-gagasolina at hindi pampublikong sasakyan, at may kaya lang ang tatamaan ng pagtaas ng income tax at VAT, wala raw garantiya na hindi sa maliliit babawiin ng malalaki ang binayarang buwis.

Gusto nila, husayan lang ang pagkolekta ng taripa. Pero sa estimate ng gobyerno, miski pinaka-mahusay na ang kilos ng Customs o BIR, P110 bilyon lang ang madadagdag sa kabang-bayan. Kulang pa rin para punuan ang P200-bilyong taunang deficit. At naroon pa rin ang P5.3-trilyong pangkalahatang utang na ng gobyerno.

Dapat sana lahat ay magsakripisyo, lalo na ang may kaya. Ika nga ni Kennedy, ask what you can do for your country.

vuukle comment

AYAW

DAPAT

IBSAN

IKA

KONGRESO

LANG

MAGIGIPIT

MISKI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with