Ano ba ang 'traceback title' ?
July 25, 2004 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Napag-alaman ko po na isa sa mga requirements sa Pag-IBIG Housing Loan Program ay ang mga titulo. Kinausap ko po ang may-ari ng lupa na interesado kong bilhin at sabi po niya sa akin ay hindi naman na kailangan. Nais ko pong malaman kung ano ang kadahilanan ng pagsumite nang tinatawag nilang traceback title. Sa may-ari ko lang po ba ito makukuha? Saang ahensiya po ng pamahalaan maari po akong makakuha nito?Minerva CruZ ng Quezon City
Isa sa mga pangunahing requirements sa Pag-IBIG Housing Loan ay ang tinatawag nga traceback title ng kasalukuyang titulo. Sa ibang salita, ito ang mga titulong pinagmulan ng kasalukuyang titulo na hawak ng kasalukuyang may-ari.
Kinakailangan ang mga dokumentong ito upang mapag-aralan ng Pag-IBIG kung ang pinanggalingan ng kasalukuyang titulo, kung tama ang mga sukat nito at kung ito ay malinis na titulo. Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang para sa proteksiyon at seguridad ng Pag-IBIG kundi rin ang bumibili ng lupa. Importanteng malaman ng bumibili ang punot dulo ng titulong ito. Kinakailangang malinis ito, walang anotasyon sa likod ng encumbrances na pagkakasangla, adverse claim o may ibang nag-aangkin ng lupa at iba pa.
Ang kasalukuyang may-ari ng nasabing lupa ay maaring wala siyang kopya ng traceback title. Kung may kopya po kayo ng titulo, maari po kayong pumunta sa Registry of Deeds ng siyudad o munisipalidad kung saan matatagpuan ang lupang inyong gusto. Sabihin po ninyo sa mga kawani doon ang inyong sadya. Sec. Mike Defensor

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended