Tulungan natin si Aglipay sa pagsugpo sa illegal drugs
July 25, 2004 | 12:00am
DAHIL sa maigting na kampanya ni Deputy Director General Edgardo Batalla Aglipay sa pagpuksa sa mga laboratoryo ng SHABU sa buong bansa, nalagay ang kanyang sarili sa balag ng alanganin. Nagbanta kasi mga suki, ang mga drug lord na kanilang gigibain ang kredibilidad ni Aglipay.
Nais umano ng grupo na hadlangan ang paghirang kay Aglipay sa pagka-hepe ng Philippine National Police (PNP), kapalit sa puwesto ng mga reretirong Director General Hermogenes Ebdane sa takot na kapag ganap nang hepe si Aglipay ay tiyak na ang kanilang pagka-lugmok sa kanilang mga negosyong illegal.
Kumakalat kasi sa kasalukuyan mga suki, ang balita na hindi sila tatantanan ni Aglipay sa kanilang mga illegal na aktibidades. Kaya sa kasalukuyan ay gumagamit na sila ng mga hakbang na hadlangan ang paghirang ni President Arroyo kay Aglipay.
Ayon sa mga nakausap kong mga pulis-Maynila, nagagalit umano ang ilang mga opisyal ng pulisya na nakatikim ng laway mula sa mga drug lord, kayat itong mga opisyal ay nagsasagawa na ng mga hakbang at pagpapakalat ng maling impormasyon laban kay Aglipay, upang sirain ang kredibilidad sa pangulo.
Natatakot pala itong mga opisyal na namantikaan ng mga drug lord na mawala ang milyones na tinatanggap mula sa mga drug lord, he-he-he! Malinaw nga mga suki, na pilit nilang sinusulot ang paghirang kay Aglipay sa puwesto upang ang mga ito ang mapili ni President Gloria Arroyo.
Nasapawan kasi sila ni Aglipay ng makahuli ito ng may 22 laboratoryo ng shabu at makahuli ng 32,762 suspek na sangkot sa illegal na droga sa 5,140 barangay sa bansa. Hindi sukat-akalain ng mga drug lord at mga ambisyosong sakim na mga opisyal na ang isang produkto ng Philippine Military Acadeny Class 71 lamang ang makakagawa ng ganitong pambihirang accomplishment, sa history ng PNP.
Ating napag-alaman na si Aglipay pala ay nagtapos sa degree ng Master in Business Administration (MBA) sa University of the Philippines, naging degree holder sa Bachelor of Laws na iginawad ng Ateneo Law School, naging Master in Military Arts ang Sciences (MMAS) na iginawad ng US Army Command and General Staff Collage ng Fort Leavenworth in Kansas, USA.
Tumanggap din si Aglipay ng gawad parangal " Gold Cross Medal" sa pakikidigma laban sa mga CPP-NPA noong siyay isang Lieutenant pa lamang ng taong 1970. Naging "Best Sector Commander" ng taong 1981-1984 nang maitalaga siyang Commander ng Southern Metropolitan Manila, ayon sa nakatalang history sa METROCOM.
Malaki rin ang ginawang papel ni Aglipay noong kasagsagan ng impeachment trial ni dating pangulong Joseph Estrada sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahigpit na seguridad, sa mga taga supporter ni dating Estrada na umaklas laban sa Arroyo administration.
Naibsan din ang pagdanak ng dugo noong nagsi-alsa ang ilang mga supporter ni FPJ na tumangkang maghasik ng kaguluhan sa pamamagitan sa mapayapang dayalogo sa mga leader. At sa kasalukuyan ginagampanan niya ang kanyang tung-kulin bilang hepe ng Anti-Illegal Drugs Operation Task Force (AID-SOT) na nag-resulta sa pagka-lumpo ng mga drug lord.
Kayat ang aking tanging panawagan sa mga opisyal na may ambisyong umopo sa puwesto, samahan natin si Aglipay sa kanyang nasimulan upang ang salot na droga ay tuluyang malipol sa ating bansa. Sanay higitan nyo pa ang trabaho ni Aglipay upang ang minimithi nyong posisyon ay mapapasainyo. Ipakita nyo sa mamamayan ang inyong kakayahan at hindi sa salita.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest