Ang pangarap na mala-Disneyland ng Pilipinas ni Don Ching, ay wala pa ring pinagbago. Hanggang ngayon, nakabulatlat este mali nakatiwangwang pa rin ang Fantasy World. Nabola kasi si Don Ching, ang mga bumiling members sa Fantasy World kasi magaganda ang pangako nito pero ang nangyari sa pangako ay napako.
Mistulang ghost town ang Fantasy World, halos walang nangyari hindi kasi gumagalaw ang operasyon nito. Sabi nga, parang tuod ito sa napakalawak na kabundukan. Paano ang limpak-limpak na tsapit na nakuha ni Don Ching sa mga bumiling members asan ang puhunan ng mga tao?
Naka-bank deposit ba ang pera, nagtatanong lang po Don Ching? Paano ang interest? Sino ang nakinabang? Ang mga bumiling miyembro ba?
O si Don Ching lang?
Pasyalan natin ang Fantasy World, ang makikita natin dito ang kastilyong nilumot sa tagal at kapag pinasok mo ang kaloob-looban nito siguradong wala kang makikita kundi puro alikabok, he-he-he!
Ang maganda lang sa kastilyong nilumot este mali Fantasy World pala ay ang fresh at malakas na hangin. Sangkatutak ang lumapit sa mga kuwago ng ORA MISMO, para humingi ng tulong tungkol sa problema nila sa kanilang mga nabiling condominium units, housing, etcetera sa kastilyong nilumot este mali Fantasy World pala, kasi hanggang ngayon ay hindi pa ina-award sa kanila ang kanilang mga binili. Ano ba iyan, Don Ching?
Kinapos sa espasyo ang Chief Kuwago? sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Marami pa namang ikukuwento ang Chief Kuwago tungkol sa operasyon ng kastilyong nilumot sa tagal este mali Fantasy World pala, anang kuwagong nagantso.
May karnabal pa ba sa kastilyong nilumot este mali Fantasy World pala?
Abangan sa Martes ang susunod na kabanata, kamote!