Tanong sa Pag-IBIG housing loan

Dear Sec. Mike Defensor,

Mayroon po akong gustong bilhing lupa sa pamamagitan ng Pag-IBIG housing loan. Binigyan po ako ng kopya ng may-ari ng titulo sa nasabing lupa. Kaya lang may nakasulat po sa likod na adverse claim ng kamag-anak niya. Dagdag pa rito, ang lupang binebenta lamang ay isang parte lamang ng isang malaking lupa. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Maaari ko po ba itong maipasok sa Pag-IBIG Housing Loan kahit may adverse claim po ito?
CRISPINA REYES ng Rizal

Isa sa mga requirements sa Pag-IBIG Housing Loan ang pagsumite ng Certified True Copy (CTC) ng Transfer Certificate of Title o titulo ng lupang nais bilhin. Kaya lang, kinakailangan na ito ay malinis na titulo dahil ang nasabing lupa ang magiging collateral mo mismo sa Pag-IBIG housing loan o ito na mismo ang nakasangla sa Pag-IBIG. Ang Owner’s Copy ng titulo ay isusumite ng ‘‘borrower’’ sa Pag-IBIG paglabas ng halaga ng inutang.

Kapag ang lupang bibilhin ay sakop ng isang malaking lupain, kailangan pa itong hatiin o paghati-hatiin ng may-ari at magkaroon ng sarili nitong titulo.

Sa karagdagang impormasyon, maaari po kayong magtanong sa Loans Origination Division ng Pag-IBIG.

Show comments