Ayon sa pag-aaral, ang softdrinks ay may taglay na fructose. Ang Fructose ay isang uri ng hormone na nagtutulak para kumain ng kumain. Ang fructose ay may sangkap na asukal na nagpapagana ng appetite.
Natatandaan ko ang isang anak na lalaki ng aking kaibigan na sobrang mag-softdrinks. Minsan ay na-ospital siya at pinayuhan siya ng doktor na tigilan ang sobrang pag-inom ng softdrinks sapagkat masama sa kanyang kalusugan. Sa mga diabetic ay mahigpit na ipinagbabawal ang softdrinks sapagkat mataas ang sugar content nito.
Isang kaibigan kong komedyante sa tv at pelikula ang naging obese dahil sa mara- mi siyang uminom ng softdrinks. Dahil sa katabaan ay kung anu-anong sakit ang dumapo sa kanya.
Tandaan na anumang bagay na sobra ay masama. Laging isipin na ang kalusu-gan ay ating yaman.