Pakpak ni SPO3 Felipe Lim binali na ni Mayor Boyet Gonzales
July 23, 2004 | 12:00am
PAIKLI nang paikli ang pakpak ni SPO3 Felipe "Jun" Lim, ang hepe ng anti-vice unit ng Mandaluyong City Police. Nitong nagdaang mga araw kasi, binalian na ng pakpak ni Mayor Boyet Gonzales si Lim, na lulugo-lugo na sa ngayon at hindi pa niya maarok kung may kasunod pang delubyo na darating sa kanyang bahay.
Tinanggal kasi mga suki ni Mayor Gonzales sa grupo nina Lim at Boy Tuso este Boy Muso ang trabaho sa nightclub at illegal vendors. At dahil naalis na rin sa anti-vice unit nga ang mandato sa illegal drugs eh kapiranggot na lang ang trabaho nila at siyempre ang nalulugi ay ang kaban ng siyudad ni Gonzales nga.
Kaya kung abut-langit ang ngiti ng grupo nina Lim at Boy Tuso este Boy Muso noong mga nagdaang taon, sa ngayon larawan na sila ng kalungkutan dahil nga makipot na ang landas na kanilang tinatahak.
Ayon sa nga taga-Mandaluyong na nakausap ko, nasa tamang landas lang si Mayor Gonzales. Malupit talaga ang grupo ni Lim kayat tama lang na posasan na sila, Kung nagkaroon ng biglaang election sa Mandaluyong sa ngayon, tatalunin ni Mayor Gonzales ang kahit sinong Pilato na makakalaban niya dahil sa pagsupil niya sa anti-vice unit na matagal ng nagpapahirap sa mga residente roon.
Matapos tanggalin ni P/Supt. Ericson Velasquez, ang hepe ng pulisya ng Mandaluyong, ang mandato ni Jun Lim laban sa droga, aba hindi nagpahuli si Mayor Gonzales, inutusan ni Gonzales si Lim na itigil na ang panghaharabas sa mga vendors at wag na ring makialam sa mga beerhouses.
Sa aspeto ng illegal vendors, nagtatag ng sariling grupo si Gonzales na kikilos lamang alinsunod sa utos niya. Samantalang sa beerhouses naman ay hindi kikilos si Lim kapag walang coordination sa licensing office. He-he-he! Natapalan na rin ang kapal ng mukha nina Jun Lim at Boy Tuso este Boy Muso, di ba mga suki? Mukhang palaos na itong anti-vice unit ni Lim!
Kung noon masyadong mayabang si Lim, sa ngayon siguro ay naiba na ang sitwasyon. Baklang makipag-usap si Jun Lim at maraming superior officers niya ang magpapatunay nito. Kapag nagpadrino ang mga matataas na opisyal niya sa isang maliit na problema, aba tiyak kinabukasan ay sasalakayin ng anti-vice-unit ang inilapit nila.
Ganyan ang madalas na ireklamo ng mga kapwa niya pulis kay Jun Lim na nagkukunwaring malinis pero ubod naman ng talim kung pera ang pag-uusapan. Pero mautak si Jun Lim dahil malayo ang kamay niya sa kanyang bulsa, anang mga kausap natin dyan sa Mandaluyong.
Kaya mismo rank-and-file ng Mandaluyong police, eh walang nakikiramay kay Jun Lim sa sinapit niya. Pero hindi rin nila makuhang magpalakpak sa pangambang makaahon pa si Jun Lim sa darating na mga araw, he-he-he! Bigat mo talaga Jun Lim Sir, kahit lugmok ka na sa lupa, eh me asim ka pa. Ang payo ko naman sa taga-Mandaluyong kaysa maperhuwisyo pa kayo ng mga sibilyan na tauhan ni Jun Lim, lalo na sa aspeto ng droga, nightclub at vendors, aba magreklamo kayo kaagad kay Mayor Gonzales at tiyak may kalalagyan sila.
At sa gayon, mapapatunayan din natin kung bodavil lang itong mga pakulo ni Gonzales laban sa anti-vice unit nga. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended