Bakit ganito, Mayor?
Ano ang ginagawa ng SPD Traffic Division at MMDA, parang walang silbi? Ang Roxas Blvd. ay main road na dinadaanan ng mga turistang galing NAIA at pabalik dito. Parang baboy ang tingin ng mga turista sa atin dahil sa kagagawan ng mga kurap na taga-gobyerno sa Parañaque City. Sino ang patong?
Tumataas ang alta-presyon ng ilang drivers kapag dumadaan sa nasabing kalsada. Buwisit ang kalyeng ito para sa mga taong nagmamadaling makarating sa kanilang pupuntahan! May ilang departing passengers ang late sa kanilang pag-alis dahil sa traffic dito. Ano ang aksyon mo, Mayor?
Huwag kang pakaang-kaang nakakahiya ang distrito mo sa mga taong nakakaintindi ng garapalan kotongan na madalas ibinubulong sa mga kuwago ng ORA MISMO. Mula Airport Road hanggang sa dulo ng walang hanggang papuntang Sucat ay matindi rin ang traffic mula umaga hanggang gabi ay walang humpay sa kapapaypay ang mga taong nakasakay sa dyipni dahil sa init ng ulo este mali init ng panahon na nararanasan nila.
"Hindi puwede sa Maynila ang kalokohan ng mga kotong kamote," anang kuwagong urot.
"Mabilis kasing umaksyon si Mayor Atienza sa mga ganitong sistema," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Tingnan mo ang Maynila binuhay ni Atienza sa liwanag ng ilaw."
"Maliwanag din naman sa Parañaque City."
"Tama ka kapag nasa loob ka ng bahay ng mga taga-Parañaque."
"Ano ba ang dapat gawin?"
"Aksyunan ni Mayor Bernabe ang problema, kamote."