^

PSN Opinyon

Hinaing ng mga taga-Obando

- Al G. Pedroche -
GUSTO kong bigyang daan ang reklamo ng mga kababayan natin sa Obando, Bulacan lalo na yung mga taga Barangay Paco na dapat na yatang tawaging "Barangay Baho" dahil mabilis itong nagiging bundok ng umaalingasaw na basura. Nagsusumamo ang mga kababayan nating taga rito sa lokal na pamahalaan na agad aksyonan ang problemang ito.

Sinikap nating alamin ang puno’t-dulo ng problema. Sinisisi ng ilang opisyal ng Obando ang anila’y umaalingasaw na amoy sa controlled disposal facility ng kalapit na bayan ng Navotas. Ayon sa mga opisyal ng Obando, ang pasilidad na ito na naghahasik ng masangsang na baho ay nakakaapekto sa naturang bayan. Subalit ayon sa ilang residente ng Obando, hindi ang Navotas ang dapat sisihin kundi ang hindi nakukulektang basura na nakatambak mismo sa Obando. Napakalayo nga naman ng Navotas kung ikukumpara sa mga open dumpsite na naglipana sa Obando. Bukod sa nakahihimatay na amoy, naglisaw pa rin ang mga nagpipistang langaw na nakapeperhuwisyo sa mga residente.

Mayroon na tayong Solid Waste Management Law o Republic Act 9003. Itinatadhana sa batas na ang lahat ng open dumpsite ay dapat nang mai-convert bilang controled disposal facility pagsapit ng 2004 o taong ito. Kaya ang lahat ng bukas na tambakan simula sa taong ito ay ituturing nang ilegal. Anang residenteng si Mang Pepe ng Obando: Bakit wala kaming ganyang klase ng pasilidad sa Obando. "Kapag nagrereklamo kami sa mga lokal na opisyal, puro alibi ang sinasabi sa amin. Pati ibang bayan gaya ng Navotas ay sinisisi."

Marami tayong kababayan sa Obando na naiinggit sa Navotas dahil sa makabagong pasilidad nito sa ba-sura. Anila’y dapat itong pamarisan ng ibang lugar na namumroblema pa sa basura. Ang controlled dispo- sal facility na ito ay lisensyado ng Department of Environment and Natural Resources at isang natatanging pasilidad sa Metro Manila.

Sa bawat bagong tapon na basura, iniispreyan ito ng organic enzyme para mapawi ang baho gayundin ang pagdapo ng mga langaw. Tinatakpan din ang mga naitapong basura ng lambat para hindi ito kumalat.

Di tulad ng ibang open dumpsite, ito ay may sampung ektarya ang laki at umaalinsunod sa panuntunan ng sanitary landfill.

vuukle comment

BARANGAY BAHO

BARANGAY PACO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MANG PEPE

METRO MANILA

NAVOTAS

OBANDO

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with