^

PSN Opinyon

I-phase out na kaya ang mga bus ?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
WALA na raw papasadang lumang bus. Napag-alaman na may mga lumang bus na higit sa 15 taon ang ipi-phase out. Hindi mabilang ang mga aksidente na kinasangkutan ng mga lumang bus na naging dahilan ng kamatayan ng maraming pasahero. Ang mga aksidenteng ganito ay kadalasang nangyayari sa Metro Manila at maging sa probinsiya.

Ipinahayag kamakailan ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na tatalima sila sa kautusan at ito’y ipinaabot nila sa tanggapan ni Ellen Bautista, chairperson ng LTFRB. Ang nabanggit na kautusan ay dapat noon pang 2002 naiimplementa. Umaabot sa 32 bus companies ang kasanib sa PBOAP.

Sana’y hindi lang sa salita kundi sa gawa ang pangakong ito ng PBOAP at dapat na siguraduhin ng LTFRB na matutupad ito. Isa ang BANTAY KAPWA sa nagmamanman kung maipapatupad ito.

BUS

ELLEN BAUTISTA

IPINAHAYAG

ISA

METRO MANILA

NAPAG

PROVINCIAL BUS OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SANA

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with