Una ang pantaong pangangailangan
July 16, 2004 | 12:00am
ANG mga Pariseo ay isang grupo ng mga mananampalataya na lakas-loob na nagnanais na maging matapat kay Yaweh. Subalit unti-unti, naging matigas sila sa pagpapatupad ng mga Kautusan. Makikita natin sila sa Ebanghelyo sa araw na ito na mas nagbibigay-pahalaga sa Kautusan kaysa sa pangangailangan ng tao. (Mt. 12:1-8).
Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si Jesus sa triguhan. Nagutom ang kasama niyang mga alagad kaya pumitas sila ng uhay at kinain ang mga butil. Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kanya, "Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Bawal iyan kung Araw ng Pamamahinga." Sumagot si Jesus, "Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog sa Diyos at pinakain din niya ang kanyang mga kasama. Labag sa Kautusan na kainin nila ang tinapay na iyon sapagkat ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon. Hindi pa ba ninyo nababasa sa Kautusan ni Moises na tuwing Araw ng Pamamahinga, lumalabag sa batas tungkol sa araw na ito ang mga saserdote sa templo, gayunmay hindi nila ipinagkakasala iyon? Sinasabi ko sa inyo, naririto ang isang higit na dakila kaysa sa templo. Hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala kung alam ninyo ang kahulugan ng mga salitang ito, Habag ang ibig ko, hindi hain. Sapagkat ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao."
Sa reklamo ng mga Pariseo na ang mga alagad ni Jesus ay lumalabag sa Kautusan sa pamamagitan ng pagpitas ng uhay upang maibsan ang kanilang gutom, ipinagtanggol ni Jesus ang mga alagad. Pinaalalahanan niya ang mga Pariseo na si Haring David mismo ay kumuha ng tinapay na inilaan lamang para sa mga saserdote - at pinakain ang mga ito nang ang mga tauhan niya ay nagutom.
Makitid ang utak ng mga Pariseo. Nakaligtaan nilang makita ang kabutihan at habag ng Diyos. Hindi mo kailangang balewalain ang batas. Subalit ang gutom ay isang pantaong pangangailangan. Ito ay isang pang-araw-araw na pangangailangan. Gaya nang nasasaad sa panalangin, sinasabi natin: "Bigyan mo kami ng aming kakainin sa araw-araw."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended