Iniutos na ang pag-aalis ng tropang Pinoy. Inalis na noong Miyerkules ang walong pulis na kabilang sa 51 humanitarian mission ng Pilipinas. Tinaningan ng mga militanteng Iraqi ang Pilipinas na alisin hanggang July 20 ang tropa. Dalawang beses nang nagbigay ng taning ang mga rebeldeng Iraqi sa gobyerno. Pupugutan nila ng ulo si Angelo de la Cruz. Limang dayuhan na ang pinugutan ng ulo na ang pinakahuli ay ang Bulgarian na si Georgi Lazov, 30. Si Lazov ay isa ring truck driver. Kasama niyang kinidnap si Ivalyo Kepov noong June 29.
Mababawasan daw ang aid na ibinigay ng Kano sa Pilipinas sa ginawang pull out. Maaapektuhan daw ang relasyon dahil sa desisyon. E ano ba? Alin ba ang mas mahalaga, ang relasyon kay President Bush o ang buhay ni De la Cruz na isang karaniwang sibilyan. Kapag napugutan si De la Cruz makikisimpatya ba ang mga Kano? Hindi. ang tanging luluha ay mga Pinoy din at mas lalo na ang mauulila ni De la Cruz. Grabeng hirap ang kanilang daranasin sapagkat wala nang maghahanapbuhay. Wala nang kakayod para mapag-aral at maipagamot ang anak na bulag ang isang mata.
Giyera ng Kano at iba pang malalaking bansa ang sinasawsawan ng Pilipinas. Hindi naman giyera ang hanap ng mga Pinoy sa Mideast kundi trabaho para kumain at mabuhay ang pamilya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay hihimod ang Pilipinas sa mga puwet ng Kano. Sa pagkakataong ito buhay ng OFW na nakatutulong sa kabuhayan ng Pilipi-nas ang mas mahalaga. Ano ba ang aid na sinasabing maaapektuhan dahil sa pull out yun bang ibinibigay nilang mga bulok na helicopter, tangke at eroplano? Yak!