^

PSN Opinyon

Mga kawawang OFWs !

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
ANYTIME ngayon malapit nang pakawalan si Angelo dela Cruz, isa itong magandang balita na sana naman ngayon ay totohanan na at hindi isang kuryente. Pero hindi komo pakakawalan na siya ay tapos na ang kanyang kalbaryo at puro sarap na nang buhay ang tatamuhin niya.

Gaya ng kung ilang milyon pa nating mga kababayang mga overseas Filipino workers na tinagurian nating mga modern day hero, tuloy pa rin ang paghihirap ni Angelo dela Cruz, tuloy pa rin ang pangungulila niya sa pamilya at mga kaibigan.

At ang pinakamasakit, tuloy pa rin ang pagsasamantala sa kanila ng kanilang mga kamag-anak, kababayan at pati na ang mga walang kaluluwang mga recruiter at ilang tiwaling opisyal ng gobyerno.

Umpisahan natin bago umalis ang ating mga kawawang mga kababayan. Mapipilitan silang magsangla ng kanilang konting ari-arian. Ang kapalit nito, bayad na mataas ang interest. Masakit niyan, ni hindi sila sa mga Bumbay na nagpapautang ng 5-6 nangungutang kung hindi sa mga kababayan, kalahi at minsan sa mga kamag-anak pa.

Yung mga wala namang isasangla, lalong matindi ang panggigipit ng mga mauutangan. Ang interest ay abot langit ang taas, minsan aabutin sila ng mahabang panahon sa pagbabayad ng utang. Sa madaling salita, napakalaking kaltas sa suweldo at ang nauuwi tuloy buwan-buwan sa naghihirap na pamilya ay maliit na halaga pa rin.

Sa maraming pagkakataon, halos isang taon nang nagtatrabaho ang mga nangungulilang mga OFWs bago nila mapadalhan ang kanilang pamilya ng buo nilang suweldo.

Pero hindi diyan nagtatapos yan, paano pa pag naloko sila ng mga walang kaluluwang mga illegal recruiter. Sa laki ng perang nautang nila, bago sila makabayad ay kailangan sila paalipin sa ibayong dagat ng mas matagal na panahon. Yan ay kung susuwertehin pa silang ang susunod na recruiter o placement agency ay hindi mandarambong.

Habang inaayos naman ang papeles, konting problema pahihirapan ng POEA, TESDA, NSO, DFA at iba pang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa pagsasaayos ng papeles ng mga kawawang mga OFWs.

Puwera pa riyan ang mga taxi drivers o jeepney drivers pati na mga FX drivers na dadaanin kunwari sa kantiyaw pero totoong nanghihingi ng tip sa mga kababayan nating hindi pa man umaalis ay dugo na ang pawis.

Pag dating naman ng araw ng pag-alis, umpisa naman ang sipsip ng wala sa lugar ng mga kamag-anak, kapitbahay at mga kabarkada o kaibigan kuno. Lahat gusto maghatid, kaya ang naghihikahos ng mga OFWs, hindi pa kumikita gagastos pang muli.

Mapipilitan siyang umupa ng jeepney at kung masyado pang marami ang maghahatid ay bus. Siyempre, hospitable tayo kaya pag inabot pa ng alanganing oras ay pa-meryenda at pakain pa.

Pag pasok sa airport, hindi maiwasan pahirapan ng ilang mga tiwaling mga kawani ng gobyerno. Hihingian pa rin, as usual pariringgan at pag tumanggi ay iipitin ng konti para mapilitang bumunot ang mga recruiter. Saan ba babawiin ng mga recruiter ang ibibigay nila, natural sisingilin rin sa mga pobreng OFWs.

Pero finally, makakaalis na sila. Sakay ng eroplano, karamihan ay unang beses sumakay, nakahinga sila nang malalim at nakapagpahinga ng konti dahil pag dating sa destinasyon, ni walang panahong mamasyal, kadalasan deretsong trabaho at doon haharapin ang ibang kultura, ibang ugali, pati pagkain iba at madaragdagan pa ng lubos na pangungulila.

Pero makakasanayan din, lalakas ang loob at mapapawi ang lungkot kapalit ng ilang pirasong liham galing sa atin na karamihan ang balita rin ay puro kakulangan sa panggastos.

Pagkaraan ng ilang taon, uuwi na, excited, sabik na makita ang pamilya. Dala ang naipong pera at konting pasalubong ay uuwi at hahangaring makapag-negosyo ng konti at huwag nang mawalay sa pamilya. Kaso wishful thinking.

Pag dating sa airport natin, kailangan pang mag-ipit sa passport ng ilang dolyar para sa mga tiwaling kawani ng gobyerno. Sabagay, hindi naman lahat at pakonti ang mga walanghiya. Pag labas, sasalubungin ng pamilya, kaso kasama ang lahat ng pinsan, tiyo, tiya, kapatid, pamangkin, inaanak, kapitbahay at pati ang mga ka-barangay.

Lahat iisa ang hangarin, pasalubong na nakaugalian na natin. Masakit pa niyan, para sa anak na o di kaya’y pang savings na, mauuwi pa sa pambili ng sigarilyo o alak na pasalubong.

Puwera pa riyan ang pambayad sa bus at jeepney na inarkilahan ng mga nag-uunahan sa mga pasalubong. Eh paano pa pag pinara pa ng mga kotong cops ang mga sinasakyan nila, natural sa kanila rin manggagaling ang panlagay.

Pag dating naman sa bahay, para silang mga kandidato, walang tigil ang pila ng mga nangungumusta at biglang dumami ang mga kamag-anak at kaibigan. Pati mga ayaw magpautang noon sumasama sa pila. Puwera pa ang painom gabi gabi at pakain.

Kaya ang pobreng mga OFWs, puwersado, pagkaraan ng ilang buwan, alis uli. Balik sa ibang bansa, malungkot, mahirap pero walang magawa, kailangang buhayin ang pamilya. Kawawa talaga. Bayani raw sila, ha-ha-ha!!! Bayaning ginagatasan, inaapi at palabigasan. Kawawa naman. Bayani kaya??? Text lang sa 09272654341.
* * *
D kmi ppyag n ttkbong alkalde c barbers, s surigao pro barbers ang opisyales wlang ngawa kundi sabong dto sbong duon, sugal dto sugal doon. —-09198735649; Hndi kmi pyag n magmayor yan (robert dean barbers), anong gagawin nya, ssmantalahin nya lng ang knyang posesyon pra gumawa ng hndi krpt dpt na gawain. —-09208376642.
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon, Lunes hanggang Huwebes.

ANGELO

BAYANI

PAG

PERO

PUWERA

RIN

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with