Naganap ang insidente sa Café de Malate nung Biyernes ng gabi. Nilapitan diumano ni Vice si Joey at walang kaabug-abog na pinagmumura siya at hinamon ng away. Ayon kay Joey, mukhang senglot si Vice. Siguro nga. Hindi naman marahil gagawin ng isang taong nasa katinuan ang ganyang kabastusan. Nagwala raw si Vice dahil sa nalathala sa pahayagang hawak ni Joey bago mag-eleksyon (na nalathala rin sa ibang tabloid) tungkol sa questionable wealth ni Lacuna. Magugunita na ang lahat halos ng tabloid, ay inihabla ng libelo ni Lacuna dahil sa naturang balita. Okay lang iyan. Kahit sino, opisyal man o ordinaryong taoy may karapatang maghabla kung naaagrabyado. Pero ang murahin mo sa publiko kahit pa hamak na taong-grasa ay karumal-dumal. At ang inalipusta pay hindi taong grasa kundi kumakatawan sa media sector. Hindi lang tao ang dinapurak mo kundi ang propesyon, alam mo iyon?
Witness sa insidente ang mga kakuwentuhan niya nang mga sandaling yaon na sina dating DOTC secretary Bebot Alvarez, retired Philippine Coast Guard chief Vice Admiral Reuben Lista at ang newspaper publisher na si Isagani Yambot. Mabuti naging mahinahon si Joey at hindi pumatol. Pero tama ang kanyang desisyon na magsampa ng demanda laban kay Vice. Grave misconduct and act unbecoming of a public official ang ipinamalas ni Vice. Sanay asikasuhin ni Sec. Reyes ang pagsisiyasat sa opisyal na ito.
Vice Mayor, daig pa nyo ang Presidente ng Pilipinas na hindi nakaliligtas sa batikos ng media. Huwag kang balat-sibuyas at sumagot ka nang maayos sa mga isyung ibinabato sa iyo. Ano ka Gestapo? Asal Hitler ang ginagawa mo. Baka kung malasin pa ang bansa at ikaw ang maging Presidente balang araw, hindi lang martial law ang idideklara mo kundi iluluto mo sa malaking pugon ang iyong mga kaaway tulad ng ginawa ni Hitler.