^

PSN Opinyon

Gusto kong maging member ng Pag-IBIG

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Secretary Mike Defensor,

Isa po akong OFW dito sa Riyadh, Saudi Arabia. Naging interesado po ako sa programa ng Pag-IBIG para sa mga katulad naming OFW. Ang Pag-IBIG po ba ay para lamang sa mga OFWs na gustong mag-avail ng housing loan? Ano po ba ang magandang benepisyo ng pagiging miyembro ng Pag-IBIG Fund? Anu-ano po ba ang aking kailangan para maging miyembro ng Pag-IBIG? – MARIO SANTOS


Sa mga interesado nating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa, maaari kayong maging miyembro ng Pag-IBIG Overseas Program (POP) ng Pag-IBIG Fund sa pamamagitan ng pag-fill-up ng Member’s Data Form at pagbabayad ng buwanang kontribusyon.

Ang halaga ng buwanang kontribusyon ay batay sa kabuuang halaga ng buwanang sahod:

US$ 1000 at mas mababa – US$20.00

Mahigit US$1000 hanggang US$2000 – US$40.00

Mahigit US$2000 – US$50.00

Maaaring mag-deposit o mag-remit ng dolyar o piso batay sa kasalukuyang exchange rate.

Ang pagbabayad ng buwanang kontribusyon ay pag-iimpok para na rin sa kinabukasan ng pamilya. Ito ay ginagarantiyahan ng pamahalaan, at walang buwis na ipinapatong dito. Tumatanggap ito ng 7.5% interest rate pag piso ang kontribusyon at 3% naman pag dolyar ang ibinabayad.

ANG PAG

ANO

ANU

DATA FORM

DEAR SECRETARY MIKE DEFENSOR

IBIG

MAHIGIT

OVERSEAS PROGRAM

PAG

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with