Mga pulis sa SPD sukang-suka na sa ugali ni Sr. Supt. Ronald Sabug
July 14, 2004 | 12:00am
SUMULAT sa akin ang mga concerned policemen sa Southern Police District para ireklamo ang panggagatas sa kanila ng kanilang opisyal na si Sr. Supt. Ronaldo Sabug, ang hepe ng District Inspectorate Unit ng SPD. Kung hindi pa kikilos si SPD director Chief Supt. Prospero Noble sa karaingan nila, nagbabanta silang gagawa ng hakbang na maaaring mauwi sa karahasan. Ang mensahe ng concerned policemen ng SPD kay Sabug ay tigilan na niya ang kanyang maling gawain. Ang makonsensiya na dahil pati kinikita niya sa "kotong" ay ipinapakain niya sa kanyang pamilya. Alam ng mga sumulat sa akin na itatanggi ni Sabug ang mga akusasyon nila, pero handa silang patunayan ito sa isang forum para magkaalam-alaman na, he-he-he! Sobra na ang galit ng rank-and-file ng SPD kay Sabug ah, di ba mga suki!
Hiniling ng sumulat na iparating din natin ang problema nila kay bagong upo na Interior Sec. Angelo Reyes dahil talamak na ang pangbuburaot ni Sabug sa kanila. Anila, kilala si Sabug sa SPD sa lupit nito sa tao. Maski ang mga tauhan niya mismo ay isinusuka ang ugali niya. Kapag ang isang police umano ay may kaso sa opisina ni Sabug tulad ng pag-aabsent at kung ano pa, aba automatic ang subpoena mo para magreport ka. Diretsahan kang hihingan ng kape, asukal at typewriting na tatlong ream at iba pang gamit. Pati gamit ng computer niya sa bahay tulad ng ink ng printer ay sa iyo rin ipapasagot, anang sulat na natanggap natin, he-he-he! Negosyo na itong ginagawa ni Sabug ah. Paano uunlad itong kapulisan natin eh mismo mga superior nila ay mali ang itinuturo sa kanila?
Pero hindi natatapos ang problema mo sa pagbigay sa mga kahilingan ni Sabug, anang sulat. Kasi may sakit na limot pala si Sabug at kapag minalas ka, aba kakasuhan ka kahit nag-abot ka na. At doon, kikita siyang muli dahil hihingan ka ng P3,000 bilang areglo sa kaso mo. Ang pinakamababa ay ang pagpainom sa kanya sa mga nightclub at mas OK kung may ka-table pa siya. Kung walang-wala naman ang pulis, puwede na ang P1,500 at isang bote ng Fundador na may tenga pa. Grrr! Ano ba yan?
At hindi lang sa kanyang opisina terror si Sabug. Pati vendor pala sa Upper Bicutan ay kinokotongan din niya ng P800 tuwing Biyernes. Ang tibay naman ng dibdib mo, Col. Sabug, Sir? Kapag hindi umano nagbigay ang mga vendors, tiyak ipapa-raid ni Sabug ang kanilang puwesto sa presinto na may sakop sa kanila. At kapag lasing umano si Sabug magwawala ito sa puwesto ng vendors at pagsisisipain ang kanilang paninda, he-he-he! Akala ko itong grupo ni SPO4 Jun Lim ng anti-vice ng Mandaluyong City police ang may hawak ng trono bilang terror ng vendors. Kaya naniniwala ang mga kausap ko, na kapag patuloy na si Sabug ang hahawak ng kaso ni SPO4 Arsenio Mangulabnan, ang dating hepe ng anti-drug unit ng Makati City police na kumpare ni overstaying police chief Sr. Supt. Jovy Gutierrez, eh malamang ililigwak ito. Kasi nga panay daw ang inom nina Sabug at Mangulabnan sa mga nightclub sa Roxas Blvd., anang sumbong sa akin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended