^

PSN Opinyon

Di na dapat mangibang-bayan ang mga Pinoy

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MAGING madamdaming drama ang pagkaka-hostage ng Filipino truck driver na si Angelo de la Cruz sa kamay ng mga militanteng Iraqi. Naantig ang kalooban ng buong mundo para kay De la Cruz sapagkat wala itong kamalay-malay sa pampulitikal na adhikain ng kanyang mga kidnappers. Maliwanag na ipinahayag ng mga teroristang Iraqi na pupugutan nila ng ulo ang kaawa-awang Pinoy kapag hindi pinauwi ang 51 miyembro ng Philippine Humanitarian Contingent na ipinadala ni President Arroyo sa Iraq bilang suporta ng Pilipinas sa US.

Habang sinusulat ko ang column na ito, wala pang kaliwanagan kung mapapalaya si De la Cruz kahit na nagsaya na ang mga Pinoy noong Sabado ng gabi sapagkat may natanggap na balita na napalaya na siya. Patuloy pa rin ang masidhing negosasyon ng pamahalaang Arroyo upang mailigtas si De la Cruz.

Kahit na ano pa ang kahihinatnan ng malungkot na dramang ito, sana ay humantong ang lahat sa ikaliligtas ni De la Cruz. Sana naging paraan ang kaganapang ito upang muling ilarawan sa mukha nating mga Pilipino ang tunay na sitwasyon ng kalagayan natin dito sa sarili nating bayan. Masakit pero ganito ang lahat ng inilahad ng mga Pinoy na nagtutungo sa Middle East, upang doon magtrabaho kahit na masakit ang kalooban na mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay. Sapagkat wala diumanong makukuhang ikabubuhay dito sa ating bayan.

Kailangang mangibang bayan ang mga Pinoy upang mabuhay lamang.

Ayon sa asawa at mga kamag-anak ni Angelo, ito rin ang dahilan kung bakit nasa ibang bansa ito. Ganito rin ang hangarin ng mga nagpipilit na umalis ng ating bayan kahit na magtungo pa sa magulo at mapanganib na bansang Iraq.

Malakas na sampal ang mga pahayag na ito ng ating mga kababayan sa mukha ni President Arroyo at ng mga opisyal ng ating pamahalaan. Imbes na cha-cha at iba pang mga pampulitikal na mga bagay ang inaatupag ng mga ito, kailangang seryoso nang harapin ng mga ito ang mga makatotohanang problema ng ating bayan at mga mamamayan. Kailangang hindi na dapat pang umalis ang mga Pinoy upang humanap ng ikabubuhay. Ito na lamang ang dapat na maging sentro ng pagpupunyagi ng pamahalaang Arroyo. Ito ang sigaw ng bayan! At ito rin ang maaaring makapag-angat sa Pilipinas. Tapos!

vuukle comment

ANGELO

CRUZ

KAILANGANG

MIDDLE EAST

PHILIPPINE HUMANITARIAN CONTINGENT

PILIPINAS

PINOY

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with