Kahit saang giyera tayo kaladkarin, parang asong bahag ang buntot na sumusunod tayo kay "Uncle Sam". Pati sa aksyon ng USA na patalsikin si Iraqi President Saddam Hussein ay kasama tayo sa tinatawag na coalition of the willing (victims). Kontribusyon daw natin ito sa pagbaka sa pandaigdig na terorismo. Giniba si Saddam dahil nag-iingat daw ang Iraq ng weapons of mass destruction. Pero hangga ngayong ganap na nasakop ng Amerika ang Iraq, wala silang maipakitang imbakan ng mga sinasabi nilang sandata.
Sa kabila ng pagiging sunud-sunuran natin, anong sinabi ni US ambassador to the Philippines Francis Ricciardone? Aniya, ang Pilipinas daw ay exporter ng mga terorista sa ibang bansa. Kaya pala ganyan na lang ang paghihigpit ng Amerika sa mga Pilipinong gustong makapasok ng USA. Mula sa pagkuha ng visa hanggang sa pagpasok sa US port of entry ay binubusising maigi ang mga Pinoy as if tayoy may nakadidiring sakit.
Pero nananatili ang Filipino humanitarian force sa Iraq. Ngayon, isang Pinoy na truck driver ang binihag ng mga rebeldeng Iraqi. Tinatawagan ng mga militanteng Iraqis ang Pilipinas na alisin ang tropang Pilipinong tumutulong sa Amerika sa naturang bansa. Kung hindiy pupugutan nila ng ulo ang Pilipinong bihag na kinilalang si Angelo dela Cruz. Hindi nagbibiro ang mga militanteng ito. Mayroon nang mga naunang pinugutan na mamamayan ng Amerika, Pakistan at Korea. Ang dahilan, hindi pumayag ang mga nabanggit na bansa na alisin ang kanilang puwersa sa Iraq.
Sana, habang binabasa ninyo ang kolum na itoy buhay pa ang kababayan natin. Hindi ko na mabilang ang mga Pilipino sa Middle East na biktima ng mga suicide bombing attacks. Sa kabila niyay handa pa ring magsakripisyo ng buhay ang mga Pilipinong gustong magpunta roon dahil sa sarili nilang bansay mahirap ang buhay.
Sana naman, imbes na bow tayo nang bow sa Amerika na mistulang alipin, asikasuhin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga Pilipinong sobra nang nagdu-rusa sa kahirapan habang marami sa mga nakaluklok sa mataas na puwesto sa gobyernoy nagpapasasa sa dugong pinipiga nila sa ating mga kababayan. Presidente Arroyo dinggin mo ang hinaing ng mga mahihirap.