^

PSN Opinyon

Pag-IBIG 24-hour text hotline

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
NAPAKAGANDANG balita sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund. Maaari na po kayong mag-text ng inyong mga suhestiyon o reklamo sa Pag-IBIG 24 Hour Text Hotline. Sa mga Globe Subscribers, 2990PAGIBIG o 29907244244 AT sa Smart, Talk and Text sa Sun Subscribers naman sa 1917-8922990. Pakilagay lamang po ang inyong pangalan, address at kompanyang pinagtatrabahuhan.

Ang pagkakaisa ng bawat sangay ng ating pamahalaan ay isang magandang hakbang upang malutas angn problemang pabahay sa ating mga kababayan. Kaya sa Hulyo 29-30, 2004 sa Westin Philippine Plaza, magdaraos ng isang socialized housing conference na dadaluhan ng mga opisyales ng mga lokal na pamahalaan kasama ang pribadong sektor. Ang pagpupulong na ito ay inisyatibo ng Creba Social Housing Foundation Inc.

Ang seminar na ito ay may temang ‘‘Promoting Socialized Housing Projects for Local Government Units.’’ Sa seminar na ito, mabibigyan ng malawak na kaunawaan at perpektiba ang ating mga local na opisyales sa tunay na sitwasyong problema ng pabahay sa mga komunidad at pagpapatayo ng socialized housing units sa mga siyudad at probinsiya ng ating bansa.

Kasabay nito ang First Creba Socialized Housing Expo 2004 sa World Trade Center on Roxas Blvd. Sa pribadong inisyatibong ito, patuloy ang ating pagsulong sa programang pabahay ni Pangulong Macapagal-Arroyo.

CREBA SOCIAL HOUSING FOUNDATION INC

FIRST CREBA SOCIALIZED HOUSING EXPO

GLOBE SUBSCRIBERS

HOUR TEXT HOTLINE

LOCAL GOVERNMENT UNITS

PAG

PANGULONG MACAPAGAL-ARROYO

PROMOTING SOCIALIZED HOUSING PROJECTS

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with