Wastong nutrisyon

ANG Hulyo ay nutrition month. Binibigyang pagpapahalaga ang tamang nutrisyon sa kalusugan na nagmumula sa pagbubuntis ng ina hanggang sa siya’y makapanganak at sa paglaki ng kanyang anak. Isa sa importanteng proyekto na may kinalaman sa wastong pagkain ay ang ‘‘Pagbasa Sa Nutrisyon’’ ng Auxiliary to the Philippine Medical Association na nasa pamumuno ng socio-civic leader na si Mrs. Amy Santos.

Ipinaliwanag ni Mrs. Santos na sa pagbasa ng libro at leaftlets sa wastong pagkain ay malalaman ng mga ina kung anong gulay at prutas ang dapat nilang ipakain sa pamilya. Idinugtong niya ang mahahalagang bitamina at mineral ng bawat prutas at gulay gayundin ang isda at lamang-dagat at ang pagluluto ng mga ito na bukod sa masustansiya ay makakatipid at mapagkakakitaan pa nila bilang livelihood program. Ang grupo nina Amy Santos ay nakikipag-ugnayan sa iba pang NGO’s na bigyan sila ng buto na puwedeng itanim sa mga paso, goma ng sasakyan, basyong lata, galong container ng mineral water at iba pang sisidlan sa labas ng bahay at sa kaso ng mga iskuwater at puwede silang gumawa ng hanging garden. Ang kanilang halaman ay nakabitin sa bubungan ng kanilang tirahan.

Ayon kay Amy Santos madaling itanim at anihin ang mga kamatis, petchay, ampalaya, alugbati at iba pang gulay at kung sa barangay na may mga nakatiwangwang na lupa ay puwede itong pagtamnan. Matapos ang mabuting pakikipag-ugnayan sa mga may-ari ng mga bakanteng lote. Ang proyekto nina Amy Santos ay sinimulan sa 15 ina na matapos na makapag-aral sila ay magre-recruit sila ng bagong grupo ng 15 ina hanggang sa dumami ang makinabang sa proyekto. Naitala na pinakamatagumpay na Pabasa sa Nutrisyon Project ay ang inilunsad sa Talayan, Village Q.C. at sa Angeles City, Pampanga.

Show comments