Buti na lang maagap ang Malacañang. Inutos agad ni President Arroyo na siguraduhing hindi tatamaan ang mahihirap. Kaya sa lahat ng customers ng Meralco at iba pang distributors, kalahati lang ang bayad kung ang konsumo ay di lampas sa 50 KwH kada buwan; 65% lang ang bayad kung 51-70 KwH; at 80% lang kung 71-100 KwH. Isa sa bawat tatlong customer ng Meralco, at isa sa bawat apat sa ibang lugar ang makikinabang sa discounted rates.
Pero tatamaan pa rin ang middle class, ang mayayaman, at mga pabrikat opisina. Aangal sila dahil dati nang mataas ang binabayaran nila. Pinakamahal na nga ang kuryente sa Pilipinas sa buong Asya.
Kung hindi na makatiis ang mga pabrikat opisina, baka mag-layoff ng ilang manggagawa. Kaya kailangan din silang tulungan. Dapat pag-ibayuhin ang pagtugis sa mga magnanakaw ng kuryente. Sila ang nagpapataas ng presyo; libre ang kuryente nila habang naghihigpit ng sinturon ang iba. Dapat din ayusin ng Napocor ang operation at facilities para bumaba ang systems losses. Naaaksaya kasi ang kuryente sa pabayang pagpapatakbo ng planta. Ipinapasa ang nawala sa customers.
Higit sa lahat, dapat magsibak ang Napocor ng managers at employees na sobrang taas na ang suweldo. Pabigat na sila sa ating lahat. Inalis na nga sila ng Napocor nung 1998-2001 sa isang Early Retirement Plan. Ang lalaki ng mga nakubrang separation pay. Pero ni-rehire sila sa parehong suweldo. Labag yon sa Civil Service Law. Tama na, sobra na.