^

PSN Opinyon

Maliliit hindi sakop sa Napocor petition

BAHALA SI TULFO - Jarius Bondoc -
MATAGAL nang nalulugi ang Napocor dahil sa lumang electric plants. Inabot ng indulto nu’ng July 1997, nang bumagsak ang piso at tumaas ang bayad sa foreign loans. Tapos, nilimitahan ni President Arroyo nu’ng 2002 sa 40¢ per kilowatt-hour ang purchased power adjustments, imbis na 98¢. Mahigit P90 bilyon na ngayon ang lugi ng state firm, kaya walang gustong bumili nito sa privatization plan. Nagpetisyon tuloy sa Energy Regulatory Commission ng P1.87/KwH dagdag na singil sa power distributors. Ibig sabihin, tataas ang bayad ng consumers sa kuryente.

Buti na lang maagap ang Malacañang. Inutos agad ni President Arroyo na siguraduhing hindi tatamaan ang mahihirap. Kaya sa lahat ng customers ng Meralco at iba pang distributors, kalahati lang ang bayad kung ang konsumo ay di lampas sa 50 KwH kada buwan; 65% lang ang bayad kung 51-70 KwH; at 80% lang kung 71-100 KwH. Isa sa bawat tatlong customer ng Meralco, at isa sa bawat apat sa ibang lugar ang makikinabang sa discounted rates.

Pero tatamaan pa rin ang middle class, ang mayayaman, at mga pabrika’t opisina. Aangal sila dahil dati nang mataas ang binabayaran nila. Pinakamahal na nga ang kuryente sa Pilipinas sa buong Asya.

Kung hindi na makatiis ang mga pabrika’t opisina, baka mag-layoff ng ilang manggagawa. Kaya kailangan din silang tulungan. Dapat pag-ibayuhin ang pagtugis sa mga magnanakaw ng kuryente. Sila ang nagpapataas ng presyo; libre ang kuryente nila habang naghihigpit ng sinturon ang iba. Dapat din ayusin ng Napocor ang operation at facilities para bumaba ang systems losses. Naaaksaya kasi ang kuryente sa pabayang pagpapatakbo ng planta. Ipinapasa ang nawala sa customers.

Higit sa lahat, dapat magsibak ang Napocor ng managers at employees na sobrang taas na ang suweldo. Pabigat na sila sa ating lahat. Inalis na nga sila ng Napocor nu’ng 1998-2001 sa isang Early Retirement Plan. Ang lalaki ng mga nakubrang separation pay. Pero ni-rehire sila sa parehong suweldo. Labag ‘yon sa Civil Service Law. Tama na, sobra na.

CIVIL SERVICE LAW

DAPAT

EARLY RETIREMENT PLAN

ENERGY REGULATORY COMMISSION

KAYA

MERALCO

NAPOCOR

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with