^

PSN Opinyon

Pork barrel ang isuko niyo at hindi ang pagpapalit ng constitution

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
Nag-umpisa na naman ang mga miyembro ng Kongreso sa kanilang planong baguhin ang ating saligang batas. Pinagpipilitan nila na ito raw ang sagot sa kahirapan ng bayan at solusyon raw ang pagpapalit ng ating saligang batas sa kasamaan ng ating ekonomiya.

Ilang beses nang tinangka ang pagpapalit sa ating saligang batas at ang laging dinadahilan ng mga may panukala sa ganitong pagbabago ay makakabuti ito sa ating bansa at ang pamarisan raw natin ay ang mga bansang ang sistema ng gobyerno ay Parliamentary gaya ng United Kingdom, Malaysia, Singapore at marami pang iba.

Hindi naman nila inaamin na ang pinakamaunlad na bansa ay ang United States of America na ang sistema ng gobyerno ay Presidential na katulad natin.

Hindi rin nila sinasabi na marami ring bansa sa buong mundo ang nasa ilalim ng isang Parliamentary form of government pero magulo at kagaya natin ay naghihirap ang karamihan sa mga mamamayan.

Kasama na ho rito ang bansang kagaya ng Bangladesh na alam naman natin na hirap rin ang mga mamamayan.

Hindi rin nila sinasabing bakit nuong nakaraan ay naging maunlad tayo, kasama na ito nuong panahon ni dating Pangulo Diosdado Macapagal, ama ni Madam Gloria, kahit na ang sistema ng gobyerno ay Presidential form at hindi Parliamentary.

Meron pa riyan gaya ng Brunei na ang sistema naman ng gobyerno ay Monarchy pero maunlad rin.

In the end, kahit ano ang sabihin nila, hindi sistema ng gobyerno ang dahilan kung uunlad o hindi ang bayan kung hindi sa uri ng liderato.

Kung ang mamumuno ay pansariling interest at pagpapalawig ng termino ang iniisip, kahit anong sistema ng gobyerno ay papalpak at ang ekonomiya ng bayan ay babagsak.

Kung patuloy ang corruption sa gobyerno, kahit na anong sistema ay ganuon din ang mangyayari dahil ang pera na galing sa kabang bayan na para sa pagsasaayos ng buong bansa ay mauuwi sa bulsa ng mga mangungurakot.

Kesa pinagtatalunan ang sistema ng gobyerno ang dapat nilang gawin ay pigilan ang anumang uri ng pangungurakot sa gobyerno at isang paraan ay isuko nila ang kanilang mga pork barrel na pag pinagsamasama ay aabot sa P20 billion kada taon. Isipin niyo BILLION.

Gaano karaming silid paaralan ang magagawa rito. Gaano kahabang kalye ang mapapagawa rito. Gaano karaming ospital ang maipapatayo nito. Marami at marami pang ibang bagay na kailangan natin.

Isa pa, pag naging parliamentary ba mawawala na ang pork barrel, gagaan ba ang buhay natin, mababawasan ba ang corruption.

Sagot diyan, depende, dahil kung ang mga pipiliing mga miyembro ng parliament ay yun ding ilang mga sugapang kongresista at senador pareho rin. Walang magiging pagbabago maliban lang sa tawag sa kanila.

Kung dati ay senator at congressman sa susunod ay member of parliament. Kaya tigilan na yan at hanapan ng solusyon ang suliranin ng bayan kagaya ng ating lumolobong pagkakautang. Ang pagpaganda sa ekonomiya upang guminhawa ang buhay ng ating mga kababayan. Ang pagtitipid sa pera ng bayan at hindi ang mga junket na ginagawa at charge naman sa bayan. Yan ang dapat gawin.

Kayo sa palagay niyo dapat bang baguhin ang sistema ng gobyerno, text lang sa 09272654341.
* * *
Marami ang reaksyon sa ating nakaraang mga column ukol sa masamang ugaling dapat nating baguhin at binulgar natin tungkol kay Greg Buwaya na gustong manalanta sa Duty Free Shop. Ilalabas natin ang ilan.

Dapat po ay mging mabuti tayong halimbayawa sa mga bata. Minsan nga d ko nashoot yung basura ko sa trashkan, my 4 year old daughter called my attention. D nakalusot – 09175371167. marami na talaga sa ating mga kababayan na kulang sa disiplina – 09173641549. mga kapatid n pinoy wla tyong asenso kung palaging ganyan ang ugali natin, wlang dciplina – 09196592374.

Ke greg buwaya sunugin o kaya ipalapa sa 2lad nyang buwaya. Dpat tlaga aksyunan ni pangulong arroyo. Mga mksariling pag unlad lang ang ginagawa ang nakikinabang – 8536624074. dpt dyan sa greg na yan ay itali sa puno ng langam ng hubot hubad tapos hiwain ng blade ang katawan at kasksi ng klamansi db bongga – 6591780594.

Ang dpat k greg buwaya ay itali sa langgaman at buhusan ng isang sakong smuggled na asukal – 09195322900. kasi buwaya yan, duon ihulog sa laot yng greg buwaya na yan – 09204455116.

Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa HYPERLINK "mailto:[email protected]" [email protected] o kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan niyo rin po ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng gabi, Lunes hanggang Huwebes.

ATING

BAYAN

DUTY FREE SHOP

GAANO

GOBYERNO

NATIN

SISTEMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with