Extortion/racket sa Bureau of Immigration
July 8, 2004 | 12:00am
BUWISIT na buwisit si Atty. Teodoro Teddy Delarmente, Associate Commissioner for Intelligence ng Bureau of Immigration, dahil siya ang inginungusong nagpa-release ng isang undocumented Chinese national na sinasabing drug trafficker.
Sabi ni Teddy, nagtaka siya kung bakit ang mga ahente ng intelligence group sa ilalim ng tanggapan ni Atty. Faisal Hussein ay nanakote ng tsekwa noong Sabado.
Hindi pala puwede sa batas ng Immigration ang mangalawit ng mga undesirable aliens kapag araw ng Sabado at Linggo puera lamang kung may special order si BI Commissioner Al Fernandez at pirmado ni Teddy ang mission order para sa operasyon.
Si Li Yong Cheng ay kinalawit ng mga tauhan ni Hussein noong Sabado dahil over-staying alien ito.
Nakita ni Teddy ang ginawa ng mga ahente kaya pinag-report sila sa opisina ng una para magbigay-linaw sa kanilang pananakote.
Pero ang siste, si Teddy ang pinuruhan sa ilang pahayag dahil siya raw ang nag-utos na i-release ang sinasabing drug trafficker.
Pinalalabas pa ng mga intelihensya agents, este mali, intelligence pala na pinagalitan pa raw sila ni Teddy nang hulihin ang tsekwa.
Ang mission order ay pirmado ni Hussein at hindi ni Commissioner Fernandez, paglabag na ito sa alituntunin at regulasyon sa BI.
Pangalawa, ang nakalagay sa mission order ni Hussein ay hulihin ang over-staying tsekwa pero hindi nalagay dito na drug trafficker ang Intsik.
Kaya nagtataka si Teddy kung bakit isinasangkot ang pangalan niya at sinisira ang kanyang magandang imahe sa bureau.
Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pamunuan ng Immigration tungkol sa nasabing issue.
Iniutos ni Fernandez kay Teddy na hulihin si Cheng.
Ang mga ahenteng sumira sa integridad ni Teddy ang siyang nag-release sa kanilang huli.
Ika nga, magkakasabitan dahil nabuko ang kanilang operasyon?
"Buti na lamang at habang maaga nabuko ni Teddy ang malalim na operasyon sa bureau," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Hintayin natin ang resulta ng imbestigasyon tungkol dito," anang kuwagong Kotong cop.
"Dapat silang sibakin at kasuhan sa Ombudsman para matigil na ang kanilang mga kagaguhan kung mayroon man."
"Abangan natin ito, kamote!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended