^

PSN Opinyon

Hindi na magrereklamo sina FPJ dahil wala nang pondo ?

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
PAKIRAMDAM ko unti-unti nang humuhupa ang sakit ng pagkatalo nina Fernando Poe, Jr. at Loren Legarda. Nang unang lumabas ang mga balita na nananalo na sina GMA at Noli, nagbabaga sa apoy ang mga pahayag ni FPJ na maghahalo ang balat sa tinalupan. Aniya, ibubuhos nila ang lahat ng kanilang makakaya upang hadlangan ang proklamasyon at panunumpa ni Arroyo at Noli.

Dahil sa mga palabang pananalita nina FPJ, naturete ang mga namamahala ng seguridad. Nabalita na baka magkaroon na naman ng people power lalo na at patuloy noon ang iba’t ibang protesta. Naging tensiyunado ang bansa habang idinadaos ang panunumpa nina GMA at Noli. Naka-red alert ang military at handang-handa ang kapulisan upang harapin ang anumang karahasang magaganap. Mabuti na lamang at naging matiwasay ang makasaysayang selebrasyon.

Sa ngayon, manaka-naka na lamang ang mga balita tungkol sa pagpoprotesta ng kampo nina FPJ at Loren. Kung mayroon man, ang mga maiinit lamang ay ang mga abogado ng oposisyon. Hinihikayat nila ang mga ito na maghain ng protesta sa Presidential Electoral Tribunal. Subalit, mukhang hindi masyadong excited sina FPJ at Loren sa panukalang ito.

May balita akong natatanggap na baka hindi na rin magreklamo sa PET ang Oposisyon. Baka raw naubos na ang kanilang pera at wala nang maitutustos pa sa kaso na inaasahang tatagal ng maraming taon bago matapos at hindi pa maisisiguro kung sila ay mananalo. At isa pa, marami na rin daw sa mga tagasuporta nina FPJ na hindi na nagpapakita kung kaya’t nawawalan na rin daw ng gana sina FPJ na makipaglaban pa. Kasi naman, talaga namang napapaligiran si FPJ ng mga tunay na pulitiko na personal na interes lamang ang pinananaig.

vuukle comment

ANIYA

DAHIL

FERNANDO POE

FPJ

HINIHIKAYAT

KASI

LOREN LEGARDA

NOLI

PRESIDENTIAL ELECTORAL TRIBUNAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with