^

PSN Opinyon

Cabinet unsersecretary milyones kung mangikil

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang isinusuka na ang isang Cabinet undersecretary dahil napakasiba pala nito kapag nangikil ?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Court of Appeals Justice Japar Dimaampao, Mayor Alimatar Pacalna ng Tukaya, Lanao del Norte; Mr. Ronald Post ng US Embassy, Mario Gloria at Julie Azares ng Metrobank.
* * *
Alam n’yo bang milyones kung mangikil ang isang Cabinet undersecretary?

Ayon sa aking bubuwit, marami na ang nagrereklamo laban sa kanya sapagkat meron palang sindikato sa kanilang opisina.

Ito ay ang kinalaman sa kanyang trabaho bilang miyembro ng adjudication board. Sila ang dumidinig at nagdedesisyon tungkol sa mga may kaso sa lupain na isinasailalim sa Agrarian Reform.

Ayon sa aking bubuwit, isang nabigyan ng Certification of Landownership Award (CLOA) ang kamuntik nang mabiktima rito.

Hindi lang siya pumayag dahil wala naman siyang maibibigay na dalawang milyong piso upang makakuha ng paborableng desisyon, sa kaso ng kanyang lupa.

Walanghiya, parang decision for sale?

Ayon sa aking bubuwit, ang isang maliit na negosyanteng nabigyan ng CLOA sa Davao City ay nagkaroon ng problema dahil biglang kinansela ang naipagkaloob sa kanyang lupa.

Umabot ang kaso sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB).

Habang nakapending ang kaso ay nilapitan ng mga tauhan ni Undersecretary ang may-ari ng lupa. Ang mga trusted aides ng opisyal ay nakipag-usap sa landowner. Sila ay nagpulong sa Max’s Restaurant sa loob ng Quezon Memorial Circle sa tapat mismo ng kani-lang departamento.

Hiningan ng dalawang milyon ang landowner kapalit ng pabor na desis- yon sa kanya.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, tinakaw-takaw pa ang landowner sapagkat pinakitaan pa siya ng resolution ng kaso na pirmado na ng dalawang miyembro ng DARAB. Dalawa na lamang daw ang hindi pumipirma pero kapag naibigay na ang P2-milyon ay pipirmahan kaagad ang nasabing resolution.

Ang dalawang milyon ay paghahatian ng apat na miyembro ng adjudication board at sila ay tig-kalahating milyong piso.

Mga hinayupak kayo!

Dahil wala namang maibigay na pera ang landowner, dinesisyunan ang kaso nang hindi pabor sa kanya.

Pero heto ang siste, makalipas ang ilang buwan, nilapitan ulit si landowner. Kung talagang gusto ni-yang manalo sa kaso ay magbigay ng lamang ng P1.5 million.

Mga garapal talaga, nagbigay pa ng discount!

Pero dahil wala naman talagang maibigay na pera ang landowner sa grupo ni Undersecretary…

Tuluyan nang natalo ang kawawang landowner.

Ayon sa aking bubuwit, ang Cabinet undersecretary na may sindikato pala sa paggawad ng desisyon sa mga kaso ng lupa ay si…

Grabe talaga ito, dapat siyang masibak sa gobyerno.

Mantakin mo, adjudicator na, extortionist pa.

Siya ay si Cabinet undersecretary L. as in Lagay.

AGRARIAN REFORM

AYON

CERTIFICATION OF LANDOWNERSHIP AWARD

COURT OF APPEALS JUSTICE JAPAR DIMAAMPAO

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM ADJUDICATION BOARD

JULIE AZARES

KASO

LANDOWNER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with