^

PSN Opinyon

Legalized jueteng

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
CONGRATS kay Loy Caliwan dahil siya ang ika-5th Prez ng NAIA Press Corps ngayong 2004-2006. Ang iba pang napiling officials ay sina NPC Director Jerry Yap, Vice-Prez, PNA Editor Danny Taguibao, Treasurer, Rex Ramones, Secretary, Jim Bilasano, Auditor. Butch M. Quejada, Chairman of the Board, Willy Balasa, Jerry Tan, Nap Sanota, Ronniel de Guzman, mga directors at Omar Acosta, ex-officio.

Samantala, ang mga miyembro ng NAIA Press Corps ay sina Edwin Alcala, Gloria Galuno, Lolit Acosta, Rudy Genteroy, Bong Rodriguez, Jimmy Cheng, Ato Co, Jojo Nadela at Cris Heramis.

Gusto pala ni Angie Reyes, bagong hari ng DILG, na i-legalized ang jueteng sa Pinas. Matindi kasi ang dayaan bolahan sa Region 1,2,3, NCR, 4 at 5 bukod pa sa last two digit o masiao sa Kabisayaan. Dito nasira si Joey Lina ng magdeklara ng all-out-war versus jueteng.

Ipinamalita ni Joey sa bayan na magbibitiw ito kung hindi niya mapapasara o mapapatigil ang dayaan bolahan sa Pinas. Sa awa ng Diyos, walang nangyari sa pangako ni Joey.

Tuluy-tuloy pa rin ang dayaan bolahan at lalong lumawak ang operasyon. Sangkatutak kasi ang nakikinabang sa dayaan bolahan, mga pigoys mga kurap na Burungoy, mga kamoteng taga-Local Gov’t Units etcetera. May intelihensiya sila galing sa gambling lords.

Sangdamakmak na pitsa ang pinag-uusapan kaya marami ang nahuhumaling sa dayaan bolahan. Nakabaon na kay Satanas. Isa sa dahilan ang jueteng kung bakit nakalaboso si Erap?

Mambabatas lang ang magbibigay linaw para ma-legalized ang jueteng. ‘‘Sana maging legal ang jueteng,’’ anang kuwagong haliparot sa Subic.

‘‘Gobyerno ang kikita kapag nagkataon,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Sana naman para gumanda ang kita ng pamahalaan imbes sa bulsa ng mga kurap,’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Abangan natin ito, kamote!’’

ANGIE REYES

ATO CO

BONG RODRIGUEZ

BUTCH M

CHAIRMAN OF THE BOARD

CRIS HERAMIS

DIRECTOR JERRY YAP

EDITOR DANNY TAGUIBAO

EDWIN ALCALA

PRESS CORPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with