^

PSN Opinyon

Jueteng ang sumira kay Joey Lina

- Al G. Pedroche -
BUMIGAY na sa pressure ang nagbitiw na Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Joey Lina. Nakalulungkot na naging isa siya sa pinaka-unpopular na miyembro ng gabinete ni Presidente Arroyo gayong may mabuti siyang intensyon.

Nadama ni Lina ang tindi ng pressure na ito kaya’t siya’y tuluyan nang nagbitiw at ang kanyang resignation ay tinanggap na ng Pangulo. Agad ipinalit sa kanya si anti-kidnapping czar Angelo Reyes.

Tingin ko’y na-over estimate ni Lina hindi lamang ang kanyang kakayahan kundi pati pananampalataya nang sabihin niya sa pasimula ng kanyang panunungkulan bilang hepe ng DILG na ganap niyang susugpuin ang jueteng sa loob ng isang taon at kung hindi’y magbibitiw siya sa tungkulin. Pero lumagpas sa kanyang timetable si Lina at talamak pa rin ang jueteng. Batid kong man of faith si Lina. Isang Kristiyanong nananampalataya sa bibliya at may takot sa Diyos. Pero bakit bigo siya sa kanyang krusadang igupo ang jueteng?

Masyado na kasing napakalalim ng ugat ng jueteng sa ating bansa. Panahon pa ng mga Kastila ay naririyan na iyan. Tumataya ang mga nakararaming mararalita sa jueteng sa pag-asang madaragdagan ang kanilang pera kung hindi man ganap na yumaman. Paghihikahos ang puno’t dulo nito. Kung kahirapan ang ugat ng jueteng, iyan ang dapat tuluyang pungusin ng administrasyong Arroyo. Kung walang mahirap, walang magsusugal. Kung walang magsusugal, walang magpapasugal. Kung walang magpapasugal, walang mga kagawad at opisyal ng gobyerno ang tatanggap ng lagay para sa proteksyon ng nagpapasugal. Mababawasan nang malaki ang corruption.

Marami tuloy ang bumabatikos kay Lina dahil sa pangakong napako pero hindi siya agad nagbitiw tulad nang kanyang binigyang diin noon.

Hindi naman hinihintay ng tao na ganap na madurog ang jueteng. Ang kailangan lang ay ipatupad ang batas laban sa mga gambling lords. In the same manner, hindi ganap na masusupil ang mga sari-saring paglabag sa batas pero dapat alerto ang mga kagawad ng pulisya sa pag-apprehend sa mga kriminal.

Sana, iyan ang bagay na tiyakin ni Angelo Reyes. Implementasyon ng batas at pag-usig sa mga kagawad at opisyal ng gob-yerno na nakikipagsabwatan sa mga yumuyurak sa batas.

ANGELO REYES

BATID

DIYOS

ISANG KRISTIYANONG

JUETENG

PERO

PRESIDENTE ARROYO

SECRETARY JOEY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with