^

PSN Opinyon

Ang misyon ng 72

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG gawain ng pagpapalaganap ng Salita ng Diyos ay hindi maaaring maiatang sa 12 lamang. Sinugo ni Jesus ang 72 tao. Ang bilang na ito ay sumasagisag sa pangangailangan ng maraming bilang ng mga tagapagpalaganap. Ngayong bilyones na ang populasyon ng mundo, kailangan ang mas marami pang sinanay at sinugong mga tao na magpapahayag ng paghahari ng Diyos (Lk. 10:1-12).

Pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay humirang pa ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, "Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magpadala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, "Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!" Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay ng inyong tinutuluyan; kainin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo – sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong palipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon, at sabihin sa bayan, "Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo." Ngunit sa alinmang bayang hindi tumanggap sa inyo, lumabas kayo sa mga lansangan nito at sabihin ninyo, "Pati ang alikabok dito na dumikit sa aming paa ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit pakatandaan ninyong nalapit na sa inyo ang paghahari ng Diyos!" Sinasabi ko sa inyo: Sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang kaparusahan ng mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma!’"


Hindi lamang bilang ang kailangan, kundi ang kalidad ng mga tagapagpalaga- nap ay dapat ding magarantiyahan. Ang mga misyonero ay dapat simple ang pamumuhay at mapagpakumbaba. Dapat nag-aalab ang kanilang pagnanais na ipalaganap ang paghahari ng Diyos.

Ang aanihin ay malaki, ngunit ang mga taga-ani ay kakaunti. Dapat silang manalangin na magsugo ang Diyos ng marami pang manggagawa upang mag-ani.

Kayong mga magulang, kinakausap ba ninyo ang inyong mga anak na lalaki upang isaalang-alang nila ang posibilidad na sila’y magpari? O, iniisip n’yo ba na ang inyong mga anak ang siyang mag-aalaga sa inyo kapag kayo’y matanda na? Binigay ng Diyos sa inyo ang inyong mga anak. Ibalik naman ninyo sa Diyos ang inyong mga anak bilang pari o madre.

BINIGAY

DAPAT

DIYOS

HUWAG

INYO

NGUNIT

NINYO

SA ARAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with