Sikat ng araw: Dahilan ng cancer sa balat

ULTRAVIOLET light. Iyan ang tawag sa liwanag ng araw na isinasangkot sa pagkakaroon ng cancer sa balat. Ang sikat ng araw sa umaga ay may hatid na benepisyo sa katawan subalit kapag matindi na ang sikat sa tanghali o hapon, ito ang naghahatid ng ultraviolet light sa balat. Ganoon man, masasabing mabibilang ang nagkakaroon ng cancer sa balat. Hindi katulad ng ibang cancer na karaniwang tumatama sa tao.

May tatlong uri ng cancer sa balat – basal cell carcinoma, squamous cell carcinoma at ang malignat melanoma. Ang dalawang unang nabanggit ay may pagkakapareho samantalang ang malignant melanoma ay malaki ang pagkakaiba.

Ang basal cell carcinoma at squamous cell carcinoma ay madaling gamutin kung mapapangalagaan nang husto. Hindi ito nagiging dahilan ng kamatayan. Kinakailangan lamang na isang mahusay na dermatologist ang gagamot sa may ganitong karamdaman kaysa sa isang oncologist.

Tatalakayin ko sa mga susunod na isyu ng column na ito ang tungkol sa malignant melanoma.
* * *
Kung kayo ay may mga katanungang medical kay Dr. Elicaño, sumulat sa kanya sa ganitong address:

WHAT’S UP DOC?

c/o Dr. Tranquilino Elicaño Jr.

Pilipino Star NGAYON

Railroad cor. R. Oca Sts.

Port Area, Manila

Show comments