Anyway, mabuhay ka at binabati ka ng mga kuwago ng ORA MISMO, Tata Joe, kasama na rin ang mga taong nagmamahal sayo. Your Honor!
Cas, hindi ko akalain bumigay ka na pala kay Tata Joe pa, he-he-he!
Pinagtutulungan planuhin ng mga economic saboteurs kung paano masisibak sa lalong madaling panahon si Benjie kasama siyempre ang kanyang mga tao sa Task Force. Hindi kasi naging ugali ni Benjie ang kalabit pahingi kaya maraming nabuwisit dito. Pati ang ilang mga gago diyan sa DA ay asar sa kanya. Kontrapelo kasi ng mga kurap si Benjie kaya gusto siyang pasibak sa DA.
Masyadong malakas ang pressure ng mga bigtime smugglers ng ibat ibang uri ng mga imported agricultural products kaya naman nangangamba si Benjie na ilulubog sila sa kumunoy ng grupo. Tanging si DA Secretary Chito Lorenzo, lang daw ang kakampi ni Angeles para sugpuin ang smuggling activities na lumalala sa Pinas.
Si Benjie, kung maalala natin mga readers, ang naglakas loob para hulihin ang mga imported smuggled dressed chicken na puwersahang inilabas sa Batangas Customshouse noong isang taon. Siya rin ang naging dahilan kung bakit kinasuhan ang ilang employees ng Bureau sa Port of Batangas. Nalagay sa balag ng alanganin ang buhay nina Benjie at ilang taga-Animal Quarantine sa Batangas dahil sa pagkakabuko ng imported dressed chickens.
Sina Benjie rin ang tumitira at nang bubulabog ng mga imported agricultural products na illegal na ipinapasok sa Pinas.
Ayaw tigilan ni Benjie, ang paghuli sa mga illegal shipments dahil alam niyang mga magsasakang Noypi ang magkakaproblema kapag nagkataon. Ang mga ito ang maghihirap hindi ang mga smugglers.
Kaya nagtataka si Angeles, kung bakit ang tanggapan niya ang bubuwagin ng ilang mga kamote sa DA. Si Benjie rin ang humaharang ng mga imported baboy, manok, prutas, bawang echetera, dahil sa walang import permits. Malaking pera ang sinusuhol ng mga sindikato kay Benjie pero hindi niya ito pinapansin. Ika nga, ini-snub lang!
Ok pala si Benjie, hindi kurap, anang kuwagong magbababoy.
Trabaho lang at tulong sa bayan ang gusto ni Benjie, sagot ng kuwagong tindero ng itlog ng manok.
Ano ang dapat gawin para hindi masibak ang tanggapan ni Benjie sa DA? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Ipaalam ang problema kay Prez Gloria Macapagal-Arroyo para ito ang magdesisyon, sagot ng kuwagong Kotong cop.
Sige abangan natin ang mangyayari sa grupo ni Benjie, mga kamote.