^

PSN Opinyon

Ang Task Force Anti-Smuggling Unit ng DA

ORA MSIMO - Butch M. Quejada -
HAPPY birthday, ops Asec Joe Capadocia. 88th years old ka na raw sabi ni Cas Navarro? May request lang si Cas sa’yo ASEC Joe, sana itakwil mo na ang kayoyosi mo! Yosi – kadiri daw kasi!

Anyway, mabuhay ka at binabati ka ng mga kuwago ng ORA MISMO, Tata Joe, kasama na rin ang mga taong nagmamahal sa’yo. Your Honor!

Cas, hindi ko akalain bumigay ka na pala kay Tata Joe pa, he-he-he!
* * *
Ngumangawa si Benjie Angeles, bossing ng Task Force Anti-Smuggling Unit ng Department of Agriculture dahil bubuwagin pala ang kanyang tanggapan.

Pinagtutulungan planuhin ng mga economic saboteurs kung paano masisibak sa lalong madaling panahon si Benjie kasama siyempre ang kanyang mga tao sa Task Force. Hindi kasi naging ugali ni Benjie ang kalabit – pahingi kaya maraming nabuwisit dito. Pati ang ilang mga gago diyan sa DA ay asar sa kanya. Kontrapelo kasi ng mga kurap si Benjie kaya gusto siyang pasibak sa DA.

Masyadong malakas ang pressure ng mga bigtime smugglers ng iba’t ibang uri ng mga imported agricultural products kaya naman nangangamba si Benjie na ilulubog sila sa kumunoy ng grupo. Tanging si DA Secretary Chito Lorenzo, lang daw ang kakampi ni Angeles para sugpuin ang smuggling activities na lumalala sa Pinas.

Si Benjie, kung maalala natin mga readers, ang naglakas loob para hulihin ang mga imported smuggled dressed chicken na puwersahang inilabas sa Batangas Customshouse noong isang taon. Siya rin ang naging dahilan kung bakit kinasuhan ang ilang employees ng Bureau sa Port of Batangas. Nalagay sa balag ng alanganin ang buhay nina Benjie at ilang taga-Animal Quarantine sa Batangas dahil sa pagkakabuko ng imported dressed chickens.

Sina Benjie rin ang tumitira at nang bubulabog ng mga imported agricultural products na illegal na ipinapasok sa Pinas.

Ayaw tigilan ni Benjie, ang paghuli sa mga illegal shipments dahil alam niyang mga magsasakang Noypi ang magkakaproblema kapag nagkataon. Ang mga ito ang maghihirap hindi ang mga smugglers.

Kaya nagtataka si Angeles, kung bakit ang tanggapan niya ang bubuwagin ng ilang mga kamote sa DA. Si Benjie rin ang humaharang ng mga imported baboy, manok, prutas, bawang echetera, dahil sa walang import permits. Malaking pera ang sinusuhol ng mga sindikato kay Benjie pero hindi niya ito pinapansin. Ika nga, ini-snub lang!

‘‘Ok pala si Benjie, hindi kurap,’’ anang kuwagong magbababoy.

‘‘Trabaho lang at tulong sa bayan ang gusto ni Benjie,’’ sagot ng kuwagong tindero ng itlog ng manok.

‘‘Ano ang dapat gawin para hindi masibak ang tanggapan ni Benjie sa DA?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ipaalam ang problema kay Prez Gloria Macapagal-Arroyo para ito ang magdesisyon,’’ sagot ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Sige abangan natin ang mangyayari sa grupo ni Benjie, mga kamote.’’

ANIMAL QUARANTINE

ASEC JOE CAPADOCIA

BATANGAS CUSTOMSHOUSE

BENJIE

BENJIE ANGELES

CAS NAVARRO

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

SI BENJIE

TATA JOE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with