Ang pangunahing layunin ng conference na ito ay upang ipagbigay alam ang mga mahahalagang impormasyon at alituntunin kung papaanong ang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa ay makapagpatupad ng mga socialized housing units para sa kanilang mga lugar at nasasakupan. Kasabay ng conference na ito ang kauna-unahang CREBA Socialized Housing Expo kung saan ipakikita sa mga lalahok na opisyales ng mga lokal na pamahalaan ang mga bagong teknolohiya na magagamit upang makatipid sa paggawa at pagpapatayo ng bahay.
Matatandaang nabibigyan ng pagkilala ang mga papel na ginagampanan ng mga LGUs sa kabuuang pagpapatupad ng programang pabahay. Sa katunayan, nabigyan ng parangal ang mga natatanging LGUs sa kanilang matagumpay na pagpapatupad at pagsuporta sa mga proyektong pabahay sa kauna-unahang housing awards noong nakaraang taon. Dagdag pa rito, ang industriya ng pabahay ay malaki ang positibong epekto sa ekonomiya. Nagbibigay ito ng trabaho sa ating mga kababayan at tumutulong sa mga kaugnay na industriya.
Kabilang sa mga tatalakayin sa conference ay papel ng mga proyektong pabahay sa pagpapasigla ng ekonomiya, pagpapaunlad ng mga LGUs sa pamamagitan ng mga pabahay, ang mga ibat ibang karanasan ng ibang LGUs sa socialized housing. Ang conference ay magaganap sa Westin Philippine Plaza Hotel sa July 29-30, 2004.