^

PSN Opinyon

Ang pagtawag kay Mateo

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SI Mateo ay tagakolekta ng buwis. Subalit may ibang plano ang Diyos para sa kanya. Isinalaysay mismo ni Mateo ang kuwento tungkol sa tawag sa kanya (Mt. 9:9-13).

Umalis si Jesus sa lugar na iyon. Sa kanyang paglakad, nakita niya ang isang taong ang pangala’y Mateo; nakaupo ito sa paniningil ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, "Sumunod ka sa akin." Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya.

Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila’y magkakasalong kumain. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, "Bakit sumasalo sa mga publikano at sa mga makasalanan ang inyong guro?" Narinig ito ni Jesus at siya ang sumagot, "Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit. Humayo kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito. Habag ang ibig ko at hindi hain. Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal."


Nagbigay ng isang salusalo si Mateo para kay Jesus. Inanyayahan niya ang iba pang mga tagakolekta ng buwis. Ang mga Pariseo, sa isang banda, ay nagreklamo sa mga alagad ni Jesus kung bakit si Jesus ay nakikisalo sa mga makasalanan at mga tagakolekta ng buwis.

Nang marinig ni Jesus ang reklamo ng mga Pariseo, pinagsabihan niya ang mga ito na ang mga malulusog ay di-nangangailangan ng manggagamot. Ang mga maysakit ang nangangailangan.

Ang mga tagakolekta ng buwis at mga makasalanan ay may mga sakit sa kaluluwa. Iyon ang dahilan kung bakit sila tinawag ni Jesus –upang papanumbalikin ang kanilang kalusugan. Kapag sila’y napagaling, sila’y maglilingkod sa Panginoon. Dadalhin nila ang iba pang mga makasalanan kay Jesus. At ang mga iyo’y pagagalingin ni Jesus gaya nang pagpapagaling niya kay Mateo.

BAKIT

DADALHIN

DIYOS

HABAG

HUMAYO

JESUS

MATEO

NANG

PARISEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with