Ngayon naman ay naririnig na naman natin na itong national power corporation ang nagtatangka namang magtaas ng singil ng ipinapasa nilang kuryente sa mga distributors gaya ng meralco.
Ang masaklap pa dito, ang mga pangyayaring ito ay nagaganap ngayong mga panahon na naiproklama na si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanyang full six-year term. Naaalala nyo pa ba mga mambabasa na noong panahon ng kampanya ay isa sa mga enticing promises nitong si "Madame President" na gagawin niyang pinakamababa sa buong region ng Asia ang cost of electricity dito sa Pilipinas ?
Mabilis namang nagpalabas ng pahayag ang Palasyo ng Malakanyang na sa ngayon ay wala silang idea kung ano ang mga dahilan ng NAPOCOR sa move nilang ito na sigurado naman na ang mga maliliit na consumers o ang masa ang higit na maaapektuhan ng pagtataas na ito. Ano pa nga ba ang dapat nating asahan? Tataasan ng NAPOCOR ang singil nila at MERALCO na lang ang bahalang bumalikat ng increase na yun? Sigurado ipapasa sa atin yan!
Isipin nyo na lang, ngayon pa lang na hindi pa tumataas ang singil sa kuryente, hirap na hirap na ang taumbayan sa pagbabayad sa napakataas na bills kada buwan. Sa mga karaniwan ngang pamilya na sumusuweldo ng minimum halos sa kuryente na lang napupunta ang isang linggong suweldo. Puwede bang huwag na lang kumain muna sa loob ng isang linggo ang pamilya para lang mabayaran ang bill sa MERALCO ? Kung puwede nga lang sana.
Tumpak at tamang tama ang sinabi ni Presidential Spokesperson Ignacio Bunye, " in general, we can say that the sum total of any action the government would take, would be to look after the welfare of our small electric consumers."
Ang sarap namang pakinggan, lalo na siguro if these would really be realized by the authorities concerned. Pero ganito nga kaya ang main goal nitong NAPOCOR?. Ang pangunahing dahilan daw ng pagtataas na ito ay para maiwasan ang malawakang brownout o power shortage na naganap noong mga taong l991-l993.
Napanood ko si Department of Energy Secretary Vince Perez ng tanunging siya tungkol sa pangako ni PGMA sa bayan na ibaba niya ang singil na kuryente. Sagot ni Sec. Vince na totoo nga raw na ibaba ang presyo ng singil ng kuryente, "but in order that the cost of electricity to go down, it must go high first." Huh, anong logic meron itong sinabi nitong taong ito? Is this a case of, "what goes up must come down?" Maliwanag naman ang tanong sa kanya nung host ng news channel na ito. Napaka-simplistic naman ng sagot nitong mamang ito! Naintindihan kaya ni sec. Perez yung tanong? Kailangan daw munang tumaas ng dalawang taon bago magkaroon tayo ng mga pagbabago sa Napocor at dun lamang baba ang singil ng kuryente kay Juan. Naniniwala ba kayo dito?
Sigaw naman ng mga militant groups, napakadaling gumawa ng kunwaring krisis sa kuryente! Bihasa sila diyan. Ano bang malay ng mga simpleng mamamayan kung paano tinitignan kung magkukulang ba o hindi ang supply ng kuryente ? Eh paano nga naman kung hindi totoo at ang dulo nitoy dagdag pasanin lang para sa taumbayan?
Napanood ko rin sa CNN na iniulat na ang presyo ng langis sa merkado ay bumaba dahil "smooth" na raw ang production ng Iraq dahil naiturn over na raw ang pamamalakad ng bayang ito sa mga Iraqis. (Natauhan na rin yata si Friendship George Bush dahil walang tigil ang pugutan ng ulo ng mga Amerikano at iba pang dayuhan sa Iraq.) Hindi ba dapat bumaba nga ang singil ng kuryente sa Pinas?
Gaya na nga rin ng lagi na nating naririnig, WALANG ALAM ANG MALAKANYANG DIYAN! Let us give them the benefit of the doubt. Pero sa palagay ko naman, gaya na rin ng iniisip ng nakararami sa ating mga kababayan, hindi puwedeng sabihing hands-off dito ang Palasyo. Lalo na nga at isa sa isinisigaw ni GMA noong panahon ng kampanya ay pagiginhawahin niya ang taumbayan sa pagbabayad ng kuryente. Hindi naman siguro porket nanalo na siya ay babaligtarin na ang mga pangyayari. Banta nga ng mga militanteng kababayan, siguradong sasabayan ang inauguration rites ng Pangulo ng malawakang protesta ng bayan! Yung pangako ni PGMA tungkol sa Kuryente ay KURYENTE LANG BA TALAGA!
Sanayin na kaya natin ang ating sarili na marinig ang mga ganitong kataga mula sa palasyo. Hindi ko alam ito. Wala kaming alam dyan!
Yan yata ang uso ngayon na may bagong termino na si PGMA.
The president has got nothing to it. Isama niyo na rin ang kumukulong kontrobersya sa Senate Presidency at House Speakership.
Wala na naman daw kinalaman ang Palasyo dito. Kung meron man daw personal choice ang Pangulo ay she will keep it to herself and would respect the independence of both houses.
Marami tuloy ang nakakapuna, hindi natin sila masisisi dahil very obvious ang mga dahilan. Nang matapos ang eleksyon, taas dito taas doon. Malapit na kasing magtaas ng kamay si PGMA at Noli De Castro (ngayon yun, pare ko.) para sa kanilang panunumpa. Ano kayang promise nila sa bayan? Parinig naman ng mga opinion nyo!
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS I-TEXT SA 09179904918. MAAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.