"Patunayan mo Bobby....!"
June 28, 2004 | 12:00am
NUNG BIYERNES NAISULAT KO ANG TUNGKOL SA MATINDING AKUSASYON NI GEN. ROBERTO BOBBY CALINISAN NA MIYEMBRO NG AGPOE (ASSOCIATION OF GENERALS FOR POE) NA NAGKAROON DAW NG UNHOLY ALLIANCE SINA SENATOR PING LACSON AT ADMINISTRASYON NI PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL-ARROYO, BAGO PA LANG MAGSIMULA ANG CAMPAIGN FOR PRESIDENTIAL ELECTIONS.
Trinaydor daw ni Ping ang kanyang mga supporters at followers ng pabayaan ni Ping ang kanyang presidential bid kapalit ng pangako ng Arroyo administration na hindi na raw hahabulin si Ping sa Kuratong Baleleng Case. Ang masama pa nito ay meron perang sinasabi si Bobby Calinisan na nagkakahalaga ng P500 milyon na P25 milyon daw linggu-linggo ang release ng pera kay Ping. Napag-alaman daw ni Bobby Calinisan ito mula sa kanyang source na hindi naman pinangalanan.
Binanggit ko rin na personal kong kilala silang dalawa. Regional Director si Gen. Bobby Calinisan ng PNPRO3. Si Ping Lacson naman ay naging PNP DIRECTOR GENERAL. Napansin ko na may konting hindi pagkakaunawaan sila ng magsama sila nun sa Special Project Alpha (ANTHURIUM) sa pamumuno nun ni Gen. Jewel Canson. Kasama nila Gen. Romy Acop, at si Gen. Zubia.
Minsan ng magkaroon ng operations kung saan nakatulong ang programa kong CALVENTO FILES na mahuli and Southern Luzon Most Wanted. Iprinisinta namin yung suspect kay Dir.Gen. Recaredo Sarmiento. Si Col. Mancao nun ang team leader. Narinig kong nagsalita si Ping na may halong inis dahil nandun si Bobby Calinisan, hindi naman kasama sa Operations sumama pa sa Press Conference. Kita mo nga Tony, bagong paligo pa si Bobby Calinisan. Hindi kaya nagpatuloy ang hindi pagkakaintindihan nitong dalawang dating magkasama at tuluyan nang naghiwalay na ng landas.
Marami ang nag-react na sumasang-ayon sa sinabi ni Bobby Calinisan. Subalit marami ring hindi makapaniwala na magagawa ni Ping yung akusayson na yun.
Sa ganang akin, it is easy to accuse someone. But to prove this accusation, much more to substantiate it is another matter.
Hinihingi na patunayan ni Bobby Calinisan ang mga akusasyong ito. Ang sabihin niya itoy galing sa kanyang "source" ay hindi nagtatanggal sa kanya ng obligation, morally and legally na patunayan nga na totoo ang sinasabi ng kanyang source. Madalas ko ring batikusin kapag nakakarinig ako ng mga katagang "based on intelligence reports," kasi kadalasan, ang mga "intelligence reports" na ito ay lumalabas na hindi pala masyadong intelligent. Hindi bat ang administrasyon ay inakusahan din ng mga ilang sector tungkol sa mga balitang destabilization? Sila rin daw ang mga nagkakalat ng mga impormasyon na ito. Nadinig din natin si Sen. Tito Sotto na nagsasabi na dapat daw sa mga intelligence reports na ito ay hindi ikinakalat sa media. Kung iisipin, ang mga "intelligence reports should be HIGHLY CLASSIFIED. TOP SECRET. Sino ang nagbigay ng go signal na ilabas ang mga ganitong balita.
Ang tanong kasi. "Does the information of Gen. Bobby Calinisan fall under mantle of privilege information at ang ganito kabigat na akusasyon ay hindi na kailangan pang ilabas kung kanino galing ito?" Gen. Bobby, hindi ba kailangan malaman ng bayan, lalo na ang mga supporters ni Ping at followers nito kung nilaglag nga sila ng kanilang pinuno? It is the Constitutional Right of an individual to face his accuser. Hindi yung nakatago yun taong nagbibintang sa kanya.
Sa kasong LIBELO (na nagpahayag na si Ping na kakasuhan niya si Bobby) MALICE has to be proven. May malisya ba ang mga sinabi ni Bobby laban kay Ping? Anong palagay ninyo? Para sa isang mamahayag, madalas yan ang panakot sa amin ng mga taong nakakanti namin. Ngunit, meron kaming karapatan na protektahan ang aming sources of information na hindi kailangan i-reveal ito. Subalit, kailangan din naman na ipakita na walang MALICE at pawing newsworthy ang mga isinusulat namin sa ngalan ng pamamahayag.
Huli kong nakita at nakausap si Bobby Calinisan nung siya ay nasangkot sa "pagset-up" sa isang mamahayag, "J.A." ang initials sa isang alleged extortion case. Hindi ko na nalaman pa kung ano na nang nangyari kay "J.A." at sa kasong kinasangkutan nito.
Matalinong tao rin itong si Bobby Calinisan. Hindi naman ito magiging Police Director (General) kung walang laman ang kokote nito. Alam din niya ang kanyang ginawa. Sigurado kong handa siya maglabas ng ebidensya sa takdang panahon sa mga binitiwan niyang akusasyon laban kay Ping Lacson. Kung sakaling totoo nga ang mga pinagsasabi ni Bobby Calinisan na tumanggap ng P500 milyon si Ping, kanino galing ang perang ito? Sa kaban ba ng bayan? Personal na pera ni PGMA? Galing ba yan sa mga kaibigan ni PGMA? Kanino ba talaga, kuya?
A huge amount such as P500 million pesos would definitely leave a money trail that would be easy to connect between the giver and the taker. Mahirap maitago yan.
Sen. Ping Lacson ay may mahaba rin na listahan ng mga taong nag-akusa sa kanya ng ibat ibang kaso. Mula sa pamilya ng Kuratong Baleleng, Mary "Rosebud" Ong, Ador Mawanay, Victor Corpuz, mga miyembro ng ibat ibang Government Agencies subalit narito pa rin siya, nakatindig at parang hindi natitinag.
Si Gen. Bobby Calinisan na kaya ang kontra pelo ni Sen. Ping?
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAAARI KAYONG TUMAWAG SA 7788442. MAAARI RIN KAYONG MAG-TEXT SA 09179904918.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended