Mababaw na dahilan. Taliwas ito sa diwa ng reconciliation na isinusulong ng Pangulo. Mas maganda pa nga siguro ay ganapin ang inagurasyon sa probinsyang tumanggap ng pinakamababang boto ang Pangulo. Simbolo ito ng katapatan ng kanyang layuning isaisantabi ang politika at makipagkasundo maging sa mga mamamayang hindi bumoto sa kanya.
Ngayong proklamado na si Mrs. Arroyo bilang bagong halal ng Pangulo, pinuno siya hindi lamang ng mga lugar na nagbigay sa kanya ng maraming boto kundi maging ng mga lugar na mababa ang botong tinanggap niya. Damdam koy lalong maghihinanakit sa kanya ang ibang lalawigan.
Pero wala nang atrasan ang plano. Magarbong pagdiriwang ang gaganapin sa Cebu sa katapusan ng buwan sa inagurasyon. Sabi ng Malacañang, "simple lang at matipid" ang okasyon ngunit ang ano mang inagurasyon ng pinuno ng bansa ay hindi puwedeng sabihing matipid lalo pat dadaluhan ng mga kinatawan mula sa ibat ibang nasyon.
Pero hindi naman ang gastos ang ating kunukuwestyon kundi ang pagbali sa tradisyon ng Pangulo para ganapin ang inagurasyon sa Cebu sa halip na sa Luneta na tradisyunal na nakagawian. Wala rin tayong tutol sa pagbali ng tradisyon kung itoy sa tamang dahilan.
Ngunit sa palagay ko, hindi matatawag na tamang dahilan ang pagtanaw ng utang na loob sa maraming botong ibinigay sa Pangulo ng mga mamamayan ng Cebu. It seems politically unsound. Ang kinakailangan ay i-unat ang kamay ng pakikipagkasundo hindi sa lalawigang sumusuporta na sa iyo kundi sa mga lugar sa bansa na nagdududa sa liderato ng isang lider.
I think this is an oversight on the part of those who planned to hold the Presidents inaugural in Cebu. Gaya ng nasabi natin sa kolum na ito kamakailan, hindi magiging madali ang pamumuno ng Pangulo sa loob ng anim na taon dahil marami siyang dapat kumbinsihin sa kanyang katapatan sa paglilingkod. Pero tama ang administrasyon sa panawagan sa madla na suportahan ang kanyang liderato para ang lahat ng kinakailangang reporma ay maipatupad nang maayos at walang sagabal. Afterall, anim na taon na lang siyang manunungkulan.Why not give her our full support sa mga patakarang nasa tamang landas naman? Puwede natin siyang pagkalooban ng tinatawag na "critical collaboration." Batikusin ang mga bagay na dapat batikusin at suportahan ang mga bagay na dapat suportahan.