^

PSN Opinyon

Patungo sa Jerusalem

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ALAM ni Jesus na sa Jerusalem niya makakaharap ang mga punong saserdote at doon siya dadanas ng mga pagpapahirap. Upang makarating sa Jerusalem, kailangan niyang dumaan sa Samaria. Ayaw ng mga Samaritano na tanggapin si Jesus. Napilitan siyang mag-iba ng daraanan. Habang siya’y naglalakad, may mga lalaking sumunod sa kanya.

Ang mga tugon ni Jesus sa mga katanungan ng mga sumusunod sa kanya ay nagbibigay sa atin ng mga kinakailangang gawin upang maging isang tagasunod ni Jesus (Lk. 9:51-62).

Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Jesus sa langit, ipinasya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, "Panginoon, payag ka bang magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?" Ngunit pinagsabihan sila ni Jesus. "Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo. Sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila." At nagtungo sila sa ibang nayon.

Samantalang naglalakad sila, may mga taong nagsabi, "Susunod po ako sa inyo kahit saan."


Sumagot si Jesus, "May lungga ang asong-gubat at may pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan." Sinabi ni Jesus sa isa, "Sumunod ka sa akin." Ngunit sumagot ang tao, "Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang aking ama." Sinabi ni Jesus sa kanya, "Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos." Sinabi naman ng isa, "Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay." Sinabi sa kanya ni Jesus, "Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos."

Nagalit ang mga alagad nang hindi sila paraanin ng mga Samaritano sa kanilang teritoryo. Subalit pinagsabihan ni Jesus ang kanyang mga alagad.At doon sa mga nais sumunod sa kanya, ipinanukala ni Jesus ang kasimplehan ng pamumuhay. Sa pangalawa, sinabi niya na kailangan ang di-pagkahilig sa mga pangmundong pinagkakaabalahan. At sa pangatlo na nagnanais munang magpaalam sa kanyang mga kaanak at mga kasambahay, sinabi niya na ito’y palaging lumilingon. Inihalintulad ito sa isang magsasakang nag-aararo ngunit palaging lumilingon.

Bilang isang tagasunod ni Jesus, ano ang tingin o pagkilatis ninyo sa inyong sarili?

ANAK

DIYOS

JESUS

NGUNIT

PANGINOON

SAMARITANO

SINABI

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with