Col. Abrasoza bahag ba ang buntot mo kay PO1 Rizalde Galvez?
June 27, 2004 | 12:00am
ISANG trigger happy na pulis escort ng WG&A ang kumakati ang kamay sa gatilyo ng kanyang 9mm baril sa tuwing makasisinghot ng alak at shabu kasama ang kanyang mga kasamahan sa Tondo, Manila.
Ayon sa sumbong ng mga natatakot ng mga residente, sa tuwing malalasing at mababangag si PO1 Rizalde Galvez, nakatalaga sa Philippine National Police Maritime Command, mistulang si Rambo ito sa kanilang lugar. Walang pakundangan umano itong nagpapaputok ng kanyang baril kahit anong oras. Makati pala ang kamay ni Galvez sa gatilyo, he-he-he!
Nitong nakalipas na Linggo ng madaling araw, siyam na beses siyang nagpaputok ng baril sa labas ng kanyang bahay sa 1264 Salvacion St., corner Moriones St., Tondo ng unang Distrito ng Maynila, habang nag-iinuman kasama ang mga adik na kasamahan.
Labis ang takot ng kanyang kapitbahay dahil sa putok ng baril at pagsisigawan ng mga ito. Ngunit walang pulis na sumita kina PO1 Galvez kahit ilang metro lamang ang layo sa presinto 2.
Di bat ang assignment ni Galvez ay sumakay sa barko diyan sa North Harbor hanggang sa distinasyon nito upang pangalagaan ang mga pasahero laban sa mga terorista? Marahil nakalog ang ulo nito sa lakas ng alon kayat nagkakaroon ng tupak, he-he-he!
Bahag yata ang buntot ni P/Supt. Danilo Abarsoza, hepe ng WPD PS-2 na sitahin itong si Rambo este Pol Galvez. Wala na nga bang maasahan sa tutulog-tulog na mga tauhan ni Col. Abarsoza pagdating sa ganitong usapin?
Kung di kaya ni Abarsoza na gumawa ng aksyon, paano na kaya ang aking kaibigang si P/Chief Supt. Pedro Bulaong, ang magaling na District Director ng Western Police District.
May kakayahan kaya siyang umaksyon na upang ipahuli at maparusahan si Galvez? Ang dapat kay Galvez ay ipa-drug test at tanggalan ng baril para hindi na mangati ang kamay sa gatilyo.
Dapat na parusahan si Galvez upang hindi na pamarisan ang katulad niya. Nais ko rin itong iparating kay Police Supt. Carding Dapat, director ng PNP Maritime Command.
Panahon na siguro Sir, na mapabilang ito sa inyong mga pulis na maparusahan. Huwag na nating hintayin pa na may masaktan bago kayo kumilos.
Hindi magandang halimbawa si Galvez sa imahe ng Maritime command. Dapat ay sa Mindanao nyo siya ipatapon upang sumabak sa mga teroristang Abu Sayyaf. Abangan ang magiging aksyon ng mga magaga-ling nating opisyal laban kay Galvez.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended