Dapat nang baguhin ang electoral process
June 26, 2004 | 12:00am
GRABE talaga dito sa atin. Dapat sana ay tapos na ang mainit na pulitikahan dahil naiproklama na sina President Gloria Macapagal-Arroyo at Vice President Noli de Castro. Pero patuloy pa ring nagrereklamo ang mga kalaban ng dalawa. Ipinagpipilitan nila na nadaya sila. Pinagdidikdikan naman ng kampo nina Arroyo at Noli na mayroon namang mga poll watchers at mga abogado ang mga kalaban nila mula pa sa presinto ng botohan hanggang saan man dalhin ang ballot boxes. Kung ganoon, lumalabas na may mga tagabantay ang mga kandidato sa mga ballot boxes hanggang mabuksan ang mga ito ng National Board of Canvassers.
Parati na lamang may akusasyon ng dayaan. Kasabihan na nga dito sa ating bayan na walang kandidatong tumatanggap ng natalo sila, nadadaya lamang daw sila. Di nga ba nagiging kalakaran na dito sa atin tuwing may halalan ang dagdag-bawas na naranasan na ng maraming kandidato?
Dahil sa napakasamang karanasan ng bansa sa katatapos na election na 43 araw bago natapos ang canvassing, marami na ngayon ang nagpapahayag na dapat nang kaagad na baguhin ang sistema ng eleksyon. Ganoon din ang pagbabago sa mga mangangasiwa sa election at kung sino ang gaganap sa Kongreso bilang National Board of Canvassers.
Dapat noon pa binago ang electoral process. Masyado nang palpak ang sistema. Isa ito sa nagpapabagsak sa bansa. Ito dapat ang maging prayoridad ni Mrs. Arroyo at huwag na niyang payagan pang manaig ang kagustuhan ng mga taong nakikinabang na manatili ang dating gawi. Sobra na ang pulitika. Isama na rin ni Arroyo ang pagbaklas ng anumang bagay na humahatak sa mamamayan upang magumon sa pulitika na para bang ito na lamang ang tanging inaasahan ng mamamayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended