^

PSN Opinyon

Restructuring program ng NHMFC

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG National Home Mortgage and Finance Corporation ay kasalukuyang nagpapatupad ng special restructuring program para sa mga delinquent borrowers o may pagkukulang sa pagbabayad ng kanilang housing loans. Ito ay upang mabigyan ng konsiderasyon at kaluwagan ang mga may housing loan na dumaranas ng matinding pangangailangan.

Sa ilalim ng special restructuring program na ito, napapaloob ang mga sumusunod – pagbaba hanggang 50 percent ng regular na buwanang amortisasyon, walang downpayment, pagbaba ng 2 percent ng interest rate para sa mga orihinal na utang na may 15 percent interes rate o mas mataas at pagpapalawig na maaaring hanggang 25 na taon ang pagbabayad mula sa petsa ng restructuring.

Ang special restructuring program na ito ay bahagi pa rin ng pagsunod sa direktiba ni President Arroyo na pansamantalang pagtigil ng foreclosure sa mga accounts na may kakulangan sa pagbabayad sapagkat nananatiling pangunahing pangangailangan ang pabahay. Bibigyan hanggang Agosto 9 ang mga gustong mag-apply sa restructuring upang mabigyan ng panibagong pagkakataon na isaayos ang kanilang accounts at maiwasan ang foreclosure.

Upang makapag-apply sa programang ito, maaaring magtungo sa NHMFC Head Office o alin man sa kanilang regional or satellite offices upang makakuha at makapagsumite ng application form at iba pang mga dokumento na kailangan. Para sa karagdagang detalye at impormasyon, maaaring tumawag sa NHMFC 893-1501 local 320 at 368 (para sa NCR), local 349 at 278 (Region III), local 348 (Region IV-A), local 242 at 309 (Region IV-B), at local 374 (Regional Accounts Monitoring Unit).

vuukle comment

AGOSTO

BIBIGYAN

HEAD OFFICE

LOCAL

NATIONAL HOME MORTGAGE AND FINANCE CORPORATION

PRESIDENT ARROYO

REGIONAL ACCOUNTS MONITORING UNIT

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with