Sa assessment division pala nakaistambay si Ric Water pati ang mga Water Brothers para tapalan ang mga kurap diyan sa bureau. Kasama pala ni Ric Water ang kanyang asong ulol na si Lt. Poly-poly pagdating sa mga illegal transaction sa Subic Customshouse.
Madaling makilala si Lt. Poly-poly dahil madalas siyang kasama ni Ric Water. Halos hindi na siya nagtatrabaho sa bureau sa kasasandal sa huli.
Kadena ng aso ang kulang para magmukhang asong-ulol si Lt. Poly-poly. Malakas ang loob ng Water Brothers dahil may sinasandigan silang pader na pulitiko at isang big-time locator sa nasabing lugar. Ok ba, Ka Fred, Kagalang-galang.
Mabigat ang mga pangalang ginagamit ng mga economic saboteurs sa Subic kasi lumulutang ang mga pangalan ng mag-amang Mike at Mickey Arroyo at ang tahimik na si Ret. Gen. Mel Rosales, ang trusted ni NAKTAF at NASTF bossing Angie Reyes.
Ito ang dapat burikin ng mga anti-smuggling unit kung totoong patong o ginagamit lang ang pangalan ng mga big shots sa itaas.
Medyo napakamot ang ulo ng mga kuwago ng ORA MISMO nang ibulong ng bulong brigade ang mga pangalang nabanggit, he-he-he!
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ginagamit lang ito ni Ric Water at ng kanyang asong ulol na si Lt. Poly-ploly. Tama ba, Mr. Manuel at Mr. Marlon?
Ano kaya ang masasabi ng taga-Customs Police at mga ahente ng CIIS sa mga kaganapan diyan sa inyong lugar?
Totoo bang mabigat si Ric Water at ang kanyang asong ulo na si Lt. Poly-poly?
"Ano na ba ang nangyari sa imbestigasyon sa 11 vehicles na nawala sa Subic Customshouse" tanong ng kuwagong coffin maker.
"Mukhang tumahimik ang mga kamote sa isyung ito?" sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Ano ang masasabi mo, Tony Kwek sa issue?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Itutuloy natin ang kuwento next isyu, kamote!"